Babaeng inakalang namatay sa COVID, muling nagbalik sa piling ng asawa

Babaeng inakalang namatay sa COVID, muling nagbalik sa piling ng asawa

- Labis na ikinagulat ng mister ng 85-anyos na babae nang magbalik ang kanyang asawa na inakala nilang namatay na dahil sa COVID-19

- Batay sa mga lumabas na report, pumanaw dahil sa virus ang ginang na si Rogelia Blanco noong January 13

- Dahil sa COVID-19 protocols ay inilibing daw ito nang hindi napuntahan ng mga kaanak

- Ang care home naman kung saan nanatili ang ginang at ang asawa na ito ay naglabas na ng pahayag ukol sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na ikinagulat ng mister ng 85-anyos na babae nang magbalik ang kanyang asawa na inakala nilang namatay na dahil sa COVID-19 nito lamang Sabado, January 23, batay sa report ng ABS-CBN News.

"I could not believe it. I was crying, after the death of my wife," ani Ramón Blanco.

Read also

Rocco Nacino, nakatikim ng "spike" mula sa asawang libero na si Melissa Gohing

Napag-alaman ng KAMI na sinabing "pumanaw" si Rogelia Blanco noong January 13 at agad ding inilibing kinabukasan dahil sa COVID-19 protocols, base sa report ng Daily Mail.

Babaeng inakalang namatay sa COVID, muling nagbalik sa piling ng asawa
Photo: Couple
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito ay hindi na rin ito napuntahan pa ng mga kaanak.

Kaya naman laking-gulat ng pamilya nang magbalik ito sa care home makalipas ang 10 araw.

Ang San Rosendo Foundation naman kung saan nanatili ang ginang at ang asawa na ito ay naglabas na ng pahayag ukol sa insidente.

"Among the elderly people transferred were two women who were assigned the same room," ayon dito. "An identification error during the process of transfer from Xove to Pereiro de Aguiar led to the death of one of them being certified on Jan. 13, although the identity was wrongly assigned."

Read also

NBI, sunod na iimbestigahan ang CP ng mga akusado sa Christine Dacera case

Dito lumabas na matapos magpositibo si Rogelia at ilan pang residente ng care home at ilipat sa ibang lugar ay nagkaroon ng pagkakamali sa pagkakakilanlan ng mga ito. At ang totoong namatay ay isa sa mga kasamahan ni Rogelia sa kwarto, ayon na rin sa report ng Reuters.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa Pilipinas, mainit na usapin naman ang tungkol sa bakuna laban sa COVID-19, mahigit isang taon matapos madiskubre ang virus.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pwedeng maging pihikan ang mga Pinoy sa bakuna.

Ang komedyanteng si Vice Ganda naman hindi naiwasang ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba na tila panama kay Roque na agad ding sumagot sa patutsada ni Vice.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone