NBI, sunod na iimbestigahan ang CP ng mga akusado sa Christine Dacera case
- Sunod na iimbestigahan ng NBI ang mga cellphone ng mga akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera
- Matapos ang isinagawa nilang forensic investigation, ang laman naman ng cellphone ng mga 'persons of interest' sa kaso ang kanilang bubusisiin
- Inaasahang mayroong mga makikita sa mga cellphone ng akusado na maaring magpatibay sa mga naunang ebidensyang nakuha
- Sinasabing maaring mailabas na ng NBI ang resulta ng isinagawang forensic examination kay Dacera
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inanunsyo ng National Bureau of Investigation na susunod na umano nilang iimbestigahan ang mga cellphone ng 'persons of interest' sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera.
"The NBI digital forensic team will now proceed to examine the data in the mobile phones of the persons of interest," ayon sa pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Lunes, Enero 18 base sa ulat ng GMA News.
Nalaman ng KAMI na natapos na ang forensic investigation na naunang isinagawa ng NBI. Inaasahang ilalabas na rin ng NBI ang resulta ng nasabing imbestigasyon ngayong Linggo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nakikipag-ugnayan pa umano ang NBI sa Makati Medical Center kung saan isinugod si Dacera at nakumpirmang binawian na ito ng buhay ayon sa Manila Bulletin.
Base naman sa ulat ng Inquirer, titingnan ang mga mobile phones ng mga akusado sa posibilidad may makita roon na magpapatibay sa mga nauna na nilang nakalap na ebidensya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa bathtub ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.
Itinuturing na mga "persons of interest" ang mga nakasama ni Dacera sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Kabilang na rin dito ang mga nasa room 2207 kung saan makailang beses ding bumalik si Dacera bago siya binawian ng buhay.
Nagsimula na ang preliminary investigation sa kasong ito noong Enero 13 ang gaganapin ang susunod na hearing sa Enero 27 kung saan inaasahan na handa na ang mga resulta ng isinagawang test kay Dacera.
Samantala, sumipot na rin sa NBI ang 13 katao na mula sa room 2207. Nagbigay na rin sila ng sinumpaang salaysay kaugnay sa kaso ng flight attendant.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh