Apat na akusado sa Christine Dacera case, may YouTube channel na

Apat na akusado sa Christine Dacera case, may YouTube channel na

- May sarili nang YouTube channel ang limang akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera

- Dito makikita ang mga updates sa pag-usad ng kaso ng pumanaw na flight attendant

- Bukod dito, mayroon na rin silang Facebook page na kung saan maaring magpadala ng donasyon para sa abodago nila

- Kamakailan, inilabas ng lima ang resulta ng isinagawa sa kanilang drug test at lahat sila'y negatibo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayroon nang YouTube channel ang apat na akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera na sina Valentine Rosales, JP Dela Serna, Clark Rapinan at Rommel Galido.

Nalaman ng KAMI na opisyal nila itong isina-publiko noong Enero 17.

Una nilang inilunsad ang Facebook page nilang 'Fund the Truth' kung saan maari umanong magpadala ng mga donasyon sa kanila para matustusan ang pagkuha nila sa abogado na dedepensa sa kanila sa kaso. Mayroon na silang nasa 24,000 followers sa naturang page.

Read also

NBI, sunod na iimbestigahan ang CP ng mga akusado sa Christine Dacera case

Apat na akusado sa Christine Dacera case, may YouTube channel na
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Samantala, 'Fund the Truth' din ang YouTube channel na binuo ng grupo. Doon makikita ang mga video updates ng pag-usad ng kaso ng pagkamatay ng kanilang kaibigan na si Dacera.

Sa ngayon, mayroon nang apat na mga video sa naturang YouTube channel.

Karamihan dito ay mga interview na kanilang isinagawa upang mabigyang linaw ang kanilang panig sa kaso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan, inilabas din ng grupo ang resulta ng isinagawang drug test sa kanila.

Sa kanilang post, makikita ang aktwal na resulta na "negative" silang apat kabilang na rin ang isa pa nilang kasama na si Gregorio De Guzman.

Nagkaroon na ng preliminary investigation ang kaso ng flight attendant kung saan dumalo ang grupo at nagtungo sa Makati Prosecutors Office noong Enero 13.

Magpapatuloy ang hearing sa Enero 27 bilang pagbibigay daan sa paghahanda ng mga ebidensya na magmumula rin sa National Bureau Investigation.

Read also

Valentine Rosales, binansagang 'top 5' silang mga akusado sa Christine Dacera case

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Grand Hotel.

Kasama ni Dacera ang limang nadidiin sa kaso na sina Christine Dacera na sina Valentine Rosales, JP Dela Serna, Clark Rapinan at Rommel Galido.

Sila ang mga nasa kwarto kasama ni Dacera sa huling mga oras ng kanyang buhay.

Samantala, sumipot na rin sa NBI ang 13 mga tao mula sa room 2207, ang kwartong binalik-balikan ni Dacera bukod sa kanilang silid.

Isa na rito ang sinasabing basketball player na si Justin Rieta na naniniwalang wala umanong krimen na nangyari sa pagkamatay ng flight attendant.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel