Valentine Rosales, binansagang 'top 5' silang mga akusado sa Christine Dacera case

Valentine Rosales, binansagang 'top 5' silang mga akusado sa Christine Dacera case

- Viral ang bahagi ng panayam ni Boy Abunda sa limang akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera

- Isa na rito ang bahagi kung saan nabanggit ni Valentine Rosales ang bansag niya sa kanila na 'top 5'

- Silang lima na naroon din sa naturang interview ang mga nadidiin sa kaso ni Dacera dahil sila umano ang mga naiwan na kasama nito

- Ayon kay Rosales, paraan lamang nila ito ulang pagaanin ang pinagdaraanan kaugnay sa kaso ng pumanaw na kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nag-viral ang isa sa mga pahayag ng akusado sa Christine Dacera case na si Valentine Rosales.

Nalaman ng KAMI na isa muling bahagi ng interview nina Rosales ang umagaw ng pansin ng mga netizens nang bansagan niya silang lima nina Clark Rapinan, Gregorio De Guzman, JP Dela Serna at Rommel Galido na "top 5."

Apat na akusado sa Christine Dacera case, may YouTube channel na

Ang naturang interview na ito ay ang panayam sa kanila ng kilalang talk show host na si Boy Abunda.

Valentine Rosales, binansagang 'top 5' silang mga akusado sa Christine Dacera case

Photo: Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinaliliwanag noon ni Rosales kung sino-sino ang mga nasa room 2209. Nilinaw nito na silang "top 5" ang naiwan kasama ni Christine sa mga huling oras na pala ng buhay nito.

Sa kanyang tweet, ipinakita ni Rosales ang bahagi na iyon ng interview na umagaw ng pansin sa social media.

"Even though we’re feeling down and depressed, we need to try to be positive and happy even if everything else is falling apart sharing good vibes," ang caption ng post ni Rosales sa Twitter.

Kamakailan, ay muling napansin si Rosales matapos niyang mag-sorry sa mga komentong nabitawan niya sa mga taong nasa room 2207. Ang silid na ito ay ang makailang beses na binalikan ni Christine kung saan sinusundo naman siya ng kanyang mga kaibigan sa room 2209.

Ika-13 na taong nasa room 2207 ng Christine Dacera case, dumating na rin sa NBI

"I just want to reiterate na 2207, I'm taking back what I've said, hindi kayo chaka," ang muling paghingi ng tawad ni Rosales.

Una na siyang nag-sorry sa mga tao ng nasabing hotel room sa pamamagitan ng isang Twitter post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa si Valentine Rosales sa mga inaakusahan sa misteryosong pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Kasama si Rosales sa mga sinasabing kaibigan ni Dacera na nag-check in sa City Garden Grand Hotel upang doon salubungin ang Bagong Taon.

Naihatid na sa huling hantungan ang labi ng 23-anyos na cabin crew subalit umauusad na ang kanyang kaso na ang susunod na hearing ay gaganapin sa Enero 27.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel