Ika-13 na taong nasa room 2207 ng Christine Dacera case, dumating na rin sa NBI

Ika-13 na taong nasa room 2207 ng Christine Dacera case, dumating na rin sa NBI

- Sumipot na rin sa NBI ang ika-13 personalidad ng room 2207 kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera

- Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, sinundo pa umano nila mula sa Tacloban ang pang-labintatlong tao na ito

- Nagbigay din ito ng sinumpaang salaysay kaugnay sa mga huling sandali ni Dacera bago ang pagkamatay nito

- Una nang dumating sa NBI noong Enero 13 ang 12 ka-tao mula sa room 2207 kabilang na ang sinasabing basketball player na si Justin Rieta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumating na sa National Bureau of Investigation ang ika-13 na personalidad mula sa Room 2207 kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera.

Ibinahagi ni Zyann Ambrosio ng ABS-CBN News ang nakuhang larawan ng personalidad na ito.

Ang room 2207 ng City Garden Grand Hotel ang isa pang silid na pinupuntahan din ni Dacera mula sa kwarto nila na room 2209.

Valentine Rosales, inalalang nagka-interes umano si Dacera sa basketball player ng rm. 2207
Ika-13 na taong nasa room 2207 ng Christine Dacera case, dumating na rin sa NBI

Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nalaman ng KAMI na sinundo pa mula sa Tacloban ang personalidad na ito ayon sa panayam ng News5 kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin.

Nagbigay din ng sinumpaang salaysay ang ika-13 tao na ito tulad ng nauna nang ginawa ng 12 pa niyang kasama sa room 2207 na sumipot sa NBI noong Enero 13.

Kasama sa 12 naunang nagpunta sa NBI ang basketball player na si Justin Rieta na naging usap-usapan matapos na isiwalat ng isa sa mga kaibigan ni Dacera na si Valentine Rosales na tila nagkaroon ng interes ang flight attendant kay Rieta.

Ayon sa GMA News, nagkaroon pa ng pagkakataon ang kanilang reporter na si Emil Sumangil na makapanayam si Rieta at sinabi nitong walang krimen na naganap sa pagkamatay ni Dacera. Handa pa rin umano silang makipagtulungan sa ikalulutas ng kasong ito.

Basketball player na si Justin Rieta, 1 sa mga sa guests sa room 2207

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera na nag-party kasama ng kanyang mga kaibigan na nag-check in sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Naihatid na sa huling hantungan si Dacera noong Enero 10 subalit patuloy pa rin ang pag-usad ng kanyang kaso.

Katunayan, nitong Enero 13, nagsimula na ang preliminary investigation ng kaso na ginanap sa Makati Prosecutor's office na dinaluhan ng anim na personalidad na pawang mga kaibigan at mga huling kasama ni Dacera bago siya binawian ng buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel