Basketball player na si Justin Rieta, 1 sa mga sa guests sa room 2207

Basketball player na si Justin Rieta, 1 sa mga sa guests sa room 2207

- Isa ang basketball player na si Justin Rieta sa mga guests na tumuloy sa room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong gabi ng December 31, 2020

- Nito lamang January 13, 2021, kasama si Rieta sa mga personalidad na humarap sa NBI matapos ipa-subpoena

- Kaugnay pa rin ito ng kontrobersyal na kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera

- Sa panayam dito ng media, itinanggi nito na may krimeng naganap na ikinasawi ni Dacera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa ang basketball player na si Justin Rieta sa mga guests na tumuloy sa room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong gabi ng December 31, 2020.

Ito ang gabi kung saan naganap ang New Year's Eve party ng grupo ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.

Nito lamang January 13, 2021, kasama si Rieta sa mga personalidad na humarap sa NBI matapos ipa-subpoena kasama ng 11 iba pa.

Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI
Basketball player na si Justin Rieta, 1 sa mga sa guests sa 2207

Photo: Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasama ng mga itong dumulog sa tanggapan ng NBI ang kanilang mga legal counsel.

Sa panayam dito ng Unang Balita, itinanggi nito na may krimeng naganap noong gabi ng December 31 na ikinasawi ni Dacera.

Sinabi nitong wala siyang kilala sa room 2209 kung saan naman tumuloy ang grupo ni Dacera.

Anito, handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad para maresolba ang kontrobersyal na kaso ng 23-anyos na dalaga.

Bago nito, sinabi ng mga kaibigan ni Dacera na si Valentine Rosales na walang "straight" at puro matatanda ang nasa room 2207, kung saan nakitang nagpabalik-balik ang grupo nila.

Humingi na ng paumanhin si Rosales sa kanyang naging pahayag na ito.

Umaasa ang NBI na makakatulong ang mga pahayag ng mga guests sa 2207 at maging ang mga laboratory tests na nakuha kay Dacera ng Makati Medical Center kung saan ito isinugod noong January 1, 2021.

Dalawa pang kasama ni Dacera, nakita sa CCTV ang umano'y pagtatalo ng mga ito

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ayon sa PNP, hindi nila inaalis ang anggulo na mayroong sangkot na ilegal na droga sa kaso ni Christine.

Pinuna naman ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang report ng NBI na mayroon silang nakuhang 100 ml na urine sample sa labi ni Christine Dacera.

Ang City Garden Grand Hotel naman, itinangging lumabag sila sa COVID-19 quarantine protocols kauganay ng kaso ni Dacera.

Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel