Urine sample na nakuha ng NBI sa labi ni Dacera, kinuwestyon ni Fortun

Urine sample na nakuha ng NBI sa labi ni Dacera, kinuwestyon ni Fortun

- Kinuwestyon ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang report ng NBI na mayroon silang nakuhang 100 ml na urine sample sa labi ni Christine Dacera

- Taliwas ito sa naunang kumakalat na report ng PNP na "empty" o wala nang laman ang urinary bladder nito

- Nauna nang inamin ng PNP na naunang i-embalsamo ang katawan ni Christine bago sumailalim sa autopsy

- Ang ina naman ni Christine na si Sharon, nanindigang ipaglalaban ang hustisya para sa anak habang nagluluksa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinuwestyon ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang report ng NBI na mayroon silang nakuhang 100 ml na urine sample sa labi ni Christine Dacera.

Sa report ng ABS-CBN News, inilahad ni Fortun ang mga dapat ikonsidera para makakuha ng sample sa katawan ng isang pumanaw.

Read also

CCTV shows activity of Room 2207 occupants the morning Dacera died

"If the bladder is intact and there is urine in the first place; if body isn’t decomposed; if body hasn’t been autopsied because the bladder is supposed to be excised, opened, examined," anito.

Urine sample na nakuha ng NBI sa labi ni Dacera, kinuwestyon ni Fortun
Photo: Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit nauna nang inamin ng PNP na na-embalsamo ang katawan ni Christine bago pa man sumailalim sa autopsy dahil umano sa COVID-19 quarantine protocols.

"What if embalmed? How was the bladder, was it intact or punctured? How was embalming done," ayon kay Fortun.

"How did they recover the urine? Aspirated carefully? Then what? Sealed, labeled, how transported, turned over to lab. What tests will be done. Qualifications of lab, personnel. Methodology, results. Even if something's in it what's the significance," dagdag pa nito.

Ang report ng NBI, taliwas sa kumakalat na medico-legal ng PNP na "empty" o wala nang laman ang urinary bladder ni Christine.

Read also

Mga artista, umalma sa not guilty plea ng pulis na si Jonel Nuezca

Batay sa report ng Remate, hindi pa kinukumpirma ng PNP kung totoo ang kopyang ito.

Pero base sa mga ulat, sinampahan na ng reklamo ng pamilya ng dalaga ang medico-legal na unang nag-autopsy sa labi nito.

Ang ina naman ni Christine na si Sharon, nanindigang ipaglalaban ang hustisya para sa anak habang nagluluksa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Dacera ang 23-anyos na flight attendant na natagpuang walang malay sa bathtub sa loob ng inupahang hotel sa Makati noong Enero 1.

Ilang kalalakihan ang naging persons of interest sa kaso kabilang na ang ilang kaibigan nito na kasama nito noong gabi bago ito nasawi.

Ayon sa PNP, hindi nila inaalis ang anggulo na mayroong sangkot na ilegal na droga sa kaso ni Christine.

Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone