PNP, di inaalis ang anggulo ng droga sa Christine Dacera case

PNP, di inaalis ang anggulo ng droga sa Christine Dacera case

- Hindi raw inaalis ng Philippine National Police na posibleng may sangkot na ilegal na droga sa 'party' ng grupo ni Christine Dacera

- Inilarawan ni NCRPO Director Brig. Gen. Vicente Danao ang nasabing pangyayari bilang 'wet and wild'

- Ayon pa kay Danao, hindi pa masasabing 'case closed' ang kaso ni Dacera taliwas sa unang pahayag ng PNP

- Hindi pa rin daw masasabi na ginahasa o pinatay si Christine na una nang sinabi ng PNP

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pa rin daw inaalis ng Philippine National Police ang posibleng paggamit ng ilegal na droga o party drugs ng grupo ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.

'Wet and wild', ganito inilarawan ni National Capital Region Police Office Director Brigadier General Vicente Danao Jr. ang 'party' ng grupo ni Dacera noong December 31, 2020.

Read also

NBI on Christine Dacera case: "Despite the odds, may mga encouraging evidence kami"

"Itong mga kabataan natin na mga ganitong grupo, they rent a room and they go on rave party. E ano bang ibig sabihin ng rave party? So, ibig sabihin para sa akin ang ibig sabihin 'wet and wild'," ito ang naging pahayag ni Danao sa panayam dito ng Damdaming Bayan.

PNP, di inaalis ang anggulo ng droga sa Christine Dacera case
Photo: Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"E everything goes d'yan 'pag ganon e. E di'ba lalo na siyempre 'pag lasing. Maraming pwedeng mangyari kumbaga," dagdag pa ng opisyal.

Ang pahayag na ito ni Danao ay matapos lumabas ang ilang CCTV footage kung saan makikita si Dacera na nakikipaghalikan sa isang lalaki habang sa isa pang kuha ay makikita naman itong buhat ng isa pang lalaki.

"Pero I'm not saying na gumamit sila ha, sa particular case na 'to," paglilinaw naman ni Danao. "Kaya nga po 'yan ang dapat nating alamin."

Read also

Willie Revillame, ipinaliwanag ang pagkawala ni Ariella Arida sa 'Wowowin'

Ayon pa sa report ng DZRH News, para kay Danao, hindi pa masasabing 'case closed' ang kaso ni Dacera taliwas sa unang pahayag ng PNP.

Hindi pa rin daw masasabi na ginahasa o pinatay si Christine na una nang sinabi ng PNP.

"Well, ang... ang... ako I have to admit it ano. Ah... wala po tayong makita sa ngayon, kung there was a consensual rape, kung meron ba talagang rape. Pero 'pag consensual ibig sabihin consensual act, ibig sabihin gusto 'di'ba?" ani Danao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Dacera ang 23-anyos na flight attendant na natagpuang walang malay sa bathtub sa loob ng inupahang hotel sa Makati noong Enero 1.

Ilang kalalakihan ang naging persons of interest sa kaso kabilang na ang ilang kaibigan nito na kasama nito noong gabi bago ito nasawi.

Read also

Kiray Celis at boyfriend, kumasa sa "My boyfriend does my makeup" challenge

Taliwas sa naunang pahayag ng mga ito, sinabi ng isang suspek na mayroong "powder drug" na dala ang isa sa mga lalaking kasama nila noong gabi ng Disyembre 31.

Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone