Willie Revillame, ipinaliwanag ang pagkawala ni Ariella Arida sa 'Wowowin'

Willie Revillame, ipinaliwanag ang pagkawala ni Ariella Arida sa 'Wowowin'

- Isiniwalat ni Willie Revillame ang naging dahilan kung bakit nawala si Ariella Arida sa kanyang programa na Wowowin

- Isa ang Miss Universe 2013 3rd runner-up sa mga naging co-host ni Revillame sa kanyang show subalit nagulat ang marami nang bigla na lamang itong nawala

- Nilinaw ni Revillame na hindi niya ito tinanggal, bagkus may responsibilidad itong dapat gampanan bilang bahagi ng Miss Universe pageant

- Gayunpaman, ibinahagi rin ni Revillame ang kabutihan ni Arida na madalas pa rin umano siyang inaala at nireregaluhan kung may okasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon, isiniwalat ni Willie Revillame ang dahilan umano ng pagkawala ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida sa kanyang programang 'Wowowin'.

Nalaman ng KAMI na isa umano sa mga guest ni Willie si Arida sa kanyang programa nang maungkat ng isa pa niyang panauhin na si Direk Edgar Mortiz ang pagkawala ni Arida sa show.

Hungry Syrian Wanderer, ikinuwento kung bakit wala na si 'Abeoji' sa kanyang mga video

Natawa na lamang si Arida at ibinato kay Revillame ang tanong ng direktor.

Willie Revillame, ipinaliwanag ang pagkawala ni Ariella Arida sa 'Wowowin'

Photo from Willie Revillame Supporters
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Doon nilinaw ni Willie na hindi umano niya sinibak si Arida.

"Baka akala ng mga tao tinatanggal ko ang mga co-host, hindi ho sila nawawala," bungad ni Willie.

"Lagi akong sinisisi: 'Tinanggal na naman 'yan, kukuha ng panibago kasi may edad na 'yan," pagbibiro pa nito.

Sinabi nitong nagpaalam ng maayos si Arida na nagkaroon ng biglaang responsibilidad sa Miss Universe pageant kaya kinailangan nitong mawala ng may katagalan.

Gayunpaman, naikwento rin ni Willie ang kabutihan ni Arida na hindi siya nalilimutang regaluhan sa mga okasyon.

Narito ang kabuuang paliwanag ni Willie Revillame:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

Kampo ni Tim Sawyer, umalma sa pambabatikos kasunod ng paglabas ng isang video

Kamakailan ay mabilis na nag-viral ang larawan ni Willie kasama ang pinakabago niyang apo sa anak na si Meryll Soriano.

Naging usap-usapan din ang umano'y naging alitan nina Hipon na co-host ni Willie at Miss Manila na si Alexandra Abdon nang mag-guest ito sa Wowowin. Namagitan na si Willie upang matuldukan na ang naging isyu.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel