Hungry Syrian Wanderer, ikinuwento kung bakit wala na si 'Abeoji' sa kanyang mga video
- Nagsalita na ang vlogger na si Basel Manadil o kilala bilang 'The Hungry Syrian Wanderer' kung bakit hindi na niya nakakasama si Mr. Chang, ang matandang Korean na kanyang tinutulungan
- Maraming netizens na umano ang nakapansin ng hindi na kasama ni Basel ang tinatawag niyang 'Abeoji' sa kanyang mga videos
- Aminadong hindi naging maganda ang itinakbo ng kanilang relasyon lalo na nang mamagitan ang isa pang vlogger na nagngangalang 'Bobby' na pinalalabas umanong hindi bukal sa puso ni Basel ang pagtulong niya sa kanyang Abeoji
- Nilinaw ni Basel na kaya umano niya ginawa ang video ay upang linawin ang mga akusasyon sa kanya ng dati niyang 'Abeoji' at hindi para siraan ito
- Sa bandang huli pa ng kanyang video, pinakiusapan niya ang publiko na huwag pa ring i-bash ang kanyang Abeoji maging ang vlogger na si Bobby
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Emosyonal na naglabas ng saloobin ang vlogger at businessman na si Basel Manadil patungkol kay Mr. Chang o tinatawag niyang "Abeoji" na ang ibig sabihin ay ama sa Korean.
Matatandang si Mr. Chang ang 78-anyos na nag-viral na Korean vendor ng noodles na hinanap pa talaga ni Basel upang maabutan ng tulong.
Nalaman ng KAMI na kinumpirma mismo ni Basel ang umano'y panloloko sa kanya ng kanyang Abeoji at ng vlogger na nagpakilalang si Bobby.
Naglabas si Basel ng mga ebidensya kung saan ipinakita umano ng vlogger na si Bobby ang akusasyong hindi bukal umano sa kalooban ni Basel ang pagtulong nito kay Mr. Chang.
Ang masaklap, maging ang Koreano ay nakikisakay sa pinalalabas ni Bobby at sinasabing hindi man lang daw siya binibigyan ng pera ni Basel maski P100.
Doon pa lamang, umalma na si Basel na matagal nang kinimkim ang saloobin tungkol sa ginagawa umano ng kanyang dating Abeoji at si Bobby.
May bahagi pa sa isang vlog Bobby kung saan kasama niya si Mr. Chang na nakuha pa umanong tumawa nito at kumukuha ng video sa mga akusasyon ng Korean kay Basel.
"How funny it is to discredit someone who's done a lot for Abeoji and who made him Abeoji," bulalas ni Basel.
"I changed his life," dagdag pa niya. Nilinaw ni Basel na maraming beses niyang pinupuntahan at tinutulungan si Mr. Chang nang wala nang video. Ito ay dahil sa itinuturing nga niya itong parang ama kaya naman sinusuportahan niya ito.
Subalit, aminado si Basel na marami-rami na ring pagkakataon kung saan may mga umano'y red flags na sa ginagawa ni Mr. Chang sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Mainam na lamang ay may mga ilang video pa rin si Basel na hindi na niya isinasama pa sa kanyang vlog at mga larawan na nagpapatunay na taos-puso niyang tinutulungan si Mr. Chang.
Ang ilan sa masasabi niyang matitinding tulong na ibinigay niya sa Korean ay ang P50,000 na hiniram umano nito para lamang makabayad daw ito sa pinagkakautangan.
At dahil sa ayaw na sana ni Basel na magpagod pa sa pagtitinda si Mr. Chang, ipinagpapatayo na sana niya ito ng sariling negosyo na Korean mart.
Ilan lamang ito sa mga labis na ikinasasama umano ng loob ni Hungry Syrian Wanderer sa kinahinatnan ng relasyon nila ng itinuring niyang ama-amahan.
Nabanggit niyang matinding depresyon ang pinagdaanan niya sa nangyari at kung hindi pa rin umano titigil si Mr. Chang lalong lalo na ang vlogger na si Bobby na ang intensyon umano ay makilala dahil sa mga akusasyon at paratang sa kanya, aabot na raw sa korte ang usaping ito.
Sa kabila ng nangyari, nangibabaw pa rin ang pagiging positibo ni Basel. Pinakiusapan niya ang kanyang mga supporters na huwag i-bash o kutyain pa si Mr. Chang maging ang vlogger na si Bobby.
Hindi rin daw ito magiging dahilan para hindi siya tumulong sa iba lalo na sa mga Pilipino. Patuloy pa rin ang kanyang pagtulong at patuloy pa rin ang kanyang pagmamalasakit sa mga Pinoy lalo na iyong mga naghihikahos sa buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Bukod sa itinuring niyang "Abeoji", isa rin sa mga natulungan kamakailan ni Basel ay ang basahan vendor na nag-viral.
Namahagi rin si Basel ng mga bagong TV sa ilang mga taong nadaraanan niya bilang regalo niya sa nakalipas na Pasko.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh