Kampo ni Tim Sawyer, umalma sa pambabatikos kasunod ng paglabas ng isang video

Kampo ni Tim Sawyer, umalma sa pambabatikos kasunod ng paglabas ng isang video

- Nilinaw ng kampo ni Tim Sawyer ang tungkol sa lumabas na video na agad nag-viral

- Pinaliwanag ng ilang kaibigan ni Tim na hiwalay na ang dalawa nang makuhanan ang nasabing video

- Sa nasabing video, makikita ang tila kaguluhang naganap sa pagitan nila ning dalawa at isa pang babaeng sangkot

- Samantala, ibinahagi ni China na nanakaw ang kanyang cellphone at sinub ukan pa umanong baguhin ang password ng kanyang Facebook account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging usap-usapan sa social media ang kontrobersiyal na online personalities na sina China Roces at Tim Sawyer.

Ito ay matapos lumabas ang isang video kung saan makikita ang umano'y pagkakahuli ni China kay Tim na may kasamang ibang babae sa kwarto. Nagkagulo silang tatlo sa nasabing video.

Matatandaang nitong pasko ay emosyonal na ibinahagi ni China na tuluyan na silang nagkahiwalay ni Tim.

Read also

It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda

Kampo ni Tim Sawyer, umalma sa pambabatikos kasunod ng paglabas ng isang video
Photo from China Roces
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang kaibigan naman ni Tim ang nagsalita hinggil sa isyu, palilinaw nila, si China ang dahilan ng gulong naganap at ito rin umano ang nagtulak kay Tim na hiwalayan na siya nang tuluyan.

Ayon pa sa mga kaibigan ni Tim, putol umano ang video na kumalat kaya hindi umano maiintindihan ng publiko kung bakit naganap iyon.

Samantala, ayon kay China, nanakaw ang kanyang cellphone. Ito ay sa kasagsagan ng paglabas ng video na ito. Maging ang Facebook account niya ay pinalitan pa umano ng password.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, kinumpirmang single na siya

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

Matatandaang humingi ng paumanhin si Tim matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak. Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel