It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda

It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda

- Matapos niyang makalipat, pinapunta ni Vice Ganda ang mga kasamahan niya sa "It's Showtime" sa kanyang bagong bahay

- Kabilang sina Amy Perez, Jhong Hilario, Kim Chiu at Ryan Bang sa nakigulo sa bahay ni Vice

- Ibinahagi ng TV host ang kulitan at picture taking na naganap sa loob ng kanyang bahay

- Kamakailan ay ibinahagi ni Vice ang panibagong house tour nang maayos na nila ang lahat ng gamit sa bagong bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masaya ang kulitan ng mga co-hosts ni Vice Ganda sa kanilang pagpunta sa kanyang bahay kamakailan. Kanya-kanya silang hanap ng pwesto kung saan sila magpapapicture.

Sa Instagram story ni Vice ay ibinahagi niya ang ilan sa mga kaganapan sa pagpunta nila Kim Chiu, Amy Perez, Jhong Hilario at Ryan Bang sa kanyang bahay.

Makikita si Kim na tuwang-tuwa habang nakasakay sa umiikot na upuan habang kinukuhanan siya ng litrato ni Amy.

Read also

Vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na

It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda
Photo from Flickr
Source: UGC

Si Jhong naman ay todo din ang pag-pose sa kakaibang sofa ni Vice na imbes na pahiga ay patayo ang pagkakalagay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maya-maya pa ay makikita sina Kim, Tyang Amy at Ryan na sumali na rin at nakipagkulitan kay Jhong.

Maging si Darla Sauler ay sinubukan din ang kakaibang upuan ni Vice na maaring paikutin nang hindi natutumba ang taong nakaupo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Read also

Kiray Celis, napaiyak ang boyfriend sa kanyang prank

Kilala si Vice sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina. Kamakailan ay binigyan niya ng mamahaling relo ang kanyang Nanay Rosario.

Naging emosyonal din si Nanay Rosario sa inihandang sorpresa ng anak para sa pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel