Vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na

Vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na

- Nagkaayos na at nagkabalikan ang vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya

- Ito ay ilang araw matapos sabihin ni Toni na siya ay single na at hiwalay na sila

- Ibinahagi din ni Toni ang tunay na dahilan ng pagkakalabuan nilang dalawa ng aktor

- Ayon pa sa kanya, maayos na sila ngayon at masaya siyang kahit may nawala sa "Toro Family" ay may mga natirang tunay na nagmamahal sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinatuwa ng mga tagahanga at tagasuporta ng Toro Family ang balitang nagkaayos na at nagkabalikan sina Toni Fowler at ang aktor na si Rob Moya.

Matapos ibahagi ni Toni na single na siya ay nakapag-usap sila ni Rob at napagpasyahang aayusin nila ang kanilang relasyon.

Ibinahagi din ni Toni ang dahilan ng kanilang pagkakalabuan ni Rob.

Vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na

Photo from Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ayon kay Toni, dumating sa punto na palaging abala si Rob at nagkulang ito ng oras sa kanya at sa kanilang pamilya.

Lolit Solis, ipinagtanggol si Jomari Yllana laban sa dating live-in partner nito

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang kalungkutan ay palagi umanong nandoon para sa kanya ang kasamahan nilang kilala sa tawag na "Tito Vince." Dito na unti-unti umanong nakaramdam si Toni na unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Vince.

Dahil gusto niya pa ring ayusin ang relasyon nila ni Rob ay pinagtapat niya umano ito noon kay Rob at humiling na tulungan siyang ayusin nila ang kanilang relasyon.

Gayunpaman, hindi sila kaagad nagkaayos at umabot sila sa puntong palagi na lang sila nag-aaway habang sinusubukang ayusin ang pagsasama.

Ikinuwento pa ni Toni na maging ang kaibigan nilang vlogger din na si "Makagago" ay tumulong para pag-ayusin sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls. Matapos madawit sa hiwalayang Jelai Andres at Jon Gutierrez, lalong dumami ang sumuporta sa kanya hanggang sa lumago ang kanyang followers sa kanyang YouTube Channel.

Dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes, muling binanatan ang aktor

Matatandaang kinompronta ni Toni ang isang basher na dinamay pati ang kanyang anak na si Tyronia sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo. Gayunpaman, iginiit ng nasabing basher na na-hack umano ang kanyang Facebook account at itinangging siya ang nangbash kay Toni. Kaya naman nang sumablay ito sa lie detector test, nanindigan si Toni na kakasuhan niya ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel