Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

- Desidido nang kasuhan ng vlogger na si Toni Fowler ang basher na makailang beses na itinanggi ang mapanirang post

- Ayon sa inirereklamo, lumang account niya iyon at hindi na niya ginagamit mula pa noong Hunyo nitong kasalukuyang taon

- Subalit sa pagsusuri mismo ni Toni ng Facebook account, aktibo nito na mayroon pang mga conversation ng nakapangalan at mga kabigan nito

- Upang malaman kung nagsasabi nga ba ito ng katotohanan, pina-lie detector test pa ng programa ni Raffy Tulfo ang inirrereklamo at lumabas na sinungaling nga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

Toni Fowler (Photo from Mommy Toni Fowler's Facebook)
Source: Facebook

Buo na ang desisyon ng kilalang vlogger ng bansa na si Toni Fowler ang basher na si Erika Cabatan na nam-bash umano sa kanya at sa kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na humingi na ng tulong si Toni kay Raffy Tulfo upang mabigyan ng leksyon ang basher na nagbitaw ng masasakit na salita sa anak niya.

OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

Sa naunang episode ng 'Wanted sa Radyo,' nagpaunlak naman ng panayam si Cabatana na kasama ang kanyang tiya.

Ayon kay Cabatana, luma at hindi na niya ginagamit ang account na nambash umano kay Toni.

June ng kasalukuyang taon nang huli raw niya itong gamitin kaya imposible raw na siya ang gumawa noon.

Dagdag pa ni Erika, maaring mga kaibigan niya ang gumawa noon lalo na at madalas din siyang gumagamit ng 'piso-net.'

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Base naman sa pagsusuri mismo ni Toni sa account, aktibo pa raw ito. Mayroon pa ngang mga conversation doon nina Erika at mga Facebook friends nito.

At isa pang pinagdudahan ni Toni ay nang biglang maging private na ang account.

Dahil tila diskumpiyado ang kampo ni Fowler sa sagot ni Cabatana, pina-lie detector test ito sa tulong pa rin ni Tulfo.

Cheryl Cosim, naluha sa ₱1 milyong donasyon ni Tulfo para sa mga nasalanta ni "Ulysses"

Sa pamamagitan nito, napatunayang nagsisinungaling nga si Cabatana at lumalabas na may kinalaman nga ito sa pagbaba-bash kina Toni.

Mas lalong lumakas ang kumpiyansa ni Toni na kasuhan ang basher upang turuan ito ng leksyon.

Nais pa sana ng ina nito na makipag-usap na lamang ng personal ang vlogger para humingi ng tawad subalit hindi na ito pumayag at buo na ang desisyong magsampa ng kaso laban sa basher niya at ng anak.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Toni Fowler at Raffy Tulfo ay dalawa sa mga kilalang YouTuber sa bansa.

Si Toni o mas kilala bilang si "Mommy Oni" ay mas lalong nakilala dahil sa mga nakakaaliw nilang videos ng kanyang biba at talentadong anak na si Tyronia.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Samantala ang "Idol Raffy" naman ng mga Pinoy ay mayroon nang mahigit 17 million subscribers sa YouTube dahil sa pagiging "hari ng public service."

Isa rin siya mga batikang news anchor at kamakailan ay naging bahagi rin siya ng Frontline Pilipinas bilang tagapaghatid ng mga maiinit na balita sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel