Dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes, muling binanatan ang aktor

Dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes, muling binanatan ang aktor

- Muling binanatan ng dating karelasyon at live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes ang aktor

- Ito ay kaugnay sa umano'y pagpapabaya ng aktor sa obligasyon nito sa kanilang mga anak

- Ibinahagi ni Joy na umabot sa 100,000 piso ang kanilang bayarin sa kanilang kuryente dahil hindi umano ito nabayaran ng ilang buwan

- Isa sa dalawang anak nila ng aktor ay may lagnat pa umano kaya lalong mahirap ang kalagayan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos umanong maputulan ng kuryente, hindi pinalampas ng dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes ang umano'y pagpapabaya ng ama ng kanyang anak sa obligasyon nito.

Ibinahagi niya ang litrato ng kanilang dalawang anak na natutulog at walang ilaw. Ayon sa kanya, umabot sa mahigit 10,000 piso ang halaga ng kanilang bayarin sa kuryente at napabayaan ito kaya naputulan sila.

Lolit Solis, ipinagtanggol si Jomari Yllana laban sa dating live-in partner nito
Dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes, muling binanatan ang aktor

Photo from Jomari Yllana
Source: Facebook

Dagdag pa niya, wala silang komunikasyon ni Jomari dahil sa naka-block umano siya sa aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa anak nila ay may sakit pa umano kaya lalong mahirap ang kalagayan nila dahil nawalan sila ng kuryente.

Isa pa sa ibinahagi ni Joy ay ang screenshot ng umano'y tugon ng aktor sa isang concerned citizen na nagpaalam tungkol sa pagkaputol ng suplay ng kuryente sa mag-iina.

Base sa ibinahaging screenshot ng umano'y tugon ng aktor, tila hindi ito kumbinsidong naputulan nga ng kuryente and dating kinakasama dahil nakapag-post pa umano ito sa social media at may charge naman umano ang cellphone nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jomari Yllana ay isang actor, model, concert producer at promoter. Una siyang nakilala nang sumikat siya bilang miyembro ng teen group na Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa.

Crisha Uy, ibinahagi ang saloobin tungkol sa isyu nila ng ex na si Joem Bascon

Samantala, sa naunang ulat, pinanigan ng anak ni Jomari na si Andre Yllana ang nagrereklamong karelasyon ng kanyang ama na si Joy.

Matatandaang hindi pinalampas ni Joy ang naging pahayag ni Jomari kaugnay sa paghihiwalay nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel