Crisha Uy, ibinahagi ang saloobin tungkol sa isyu nila ng ex na si Joem Bascon

Crisha Uy, ibinahagi ang saloobin tungkol sa isyu nila ng ex na si Joem Bascon

- Sa wakas ay inilabas ni Crisha Uy ang kanyang saloobin hinggil sa isyu tungkol sa kanyang ex-bf na si Joem Bascon

- Nilinaw niyang naka-move on na siya mula sa paghihiwalay nila ngunit bumalik lang umano ang sakit

- Napatunayan niya na pinagsinungalingan siya noon at tila sampal umano iyon sa kanyang mukha

- Payo naman ni Crisha sa mga kagaya niya na dumaan sa ganoong sitwasyon, laging magtiwala sa Panginoon at huwag magmadali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ma-tag at mabanggit sa mga artikulo kaugnay sa pagkakaroon ng anak ng ex-boyfriend na si Joem Bascon sa aktres na si Meryll Soriano, napagpasyahan ni Crisha Uy na magsalita na sa huling pagkakataon tungkol sa isyung ito.

Dagdag pa niya, muling bumalik sa kanya yung galit nang mabasa niya ang mga lumabas na balita tungkol sa kanyang ex.

Vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na
Crisha Uy, ibinahagi ang saloobin tungkol sa isyu nila ng ex na si Joem Bascon

Photo from Crisha Uy (@crishauy)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Reading the article. When I was reading the article yung naramdaman ko that day was nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo vs kinuwento or tsinika lang sa iyo parang feeling ko kasi Kailangan ko ilabas yung naramdaman ko that day na... yung galit ko, yung sakit na yun kung ano man ang naramdaman ko that day but hindi dahil mahal ko pa siya kundi you know ahm.. Kasi nakamove on na ako eh Ano lang.

Aniya, matagal na niyang alam ang tungkol sa relasyon nila Joem at Meryll kaya lang iba pala talaga umano nang makumpirma niya ang kanyang hinala noon.

"Finally, finally na confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That i was lied to na, kasi I gave them a benefit of doubt eh! before pero yun nga sampal pala sa mukha nung nakita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko noon finally girl confirmed ganun, ganun yung feeling.
Dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes, muling binanatan ang aktor

Nilinaw niya rin na walang katotohanang na depress siya dahil sa paghihiwalay nila ni Joem.

Tungkol naman umano sa tiktok video niya na iniugnay ng mga netizens sa lumabas na balita tungkol sa relasyong Meryll at Joem, sinabi niyang wala umanong kaugnayan iyong mga video niya sa nangyari.

Kagaya ng ibang celebrities na gumagawa lamang ng mga tiktok hugot videos, yun lang din umano ang ginawa niya kaya hindi daw dapat lagyan ng ibang kahulugan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Crisha Uy ay isang modelo at YouTube Content creator. naging karelasyon siya ng aktor na si Joem Bascon sa loob ng walong taon.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang kanyang emosyonal na video noong ibinahagi niya ang hiwalayan nila ni Joem nitong taon.

Ito ay matapos isapubliko ni Meryll ang tungkol sa anak nila ni Joem.

Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel