Crisha Uy, trending sa social media matapos magbahagi ng makahulugang mensahe

Crisha Uy, trending sa social media matapos magbahagi ng makahulugang mensahe

- Isa si Crisha Uy sa pinag-usapan nong nakaraang taon matapos nitong ibahagi ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Joem Bascon

- Kaya naman, muling natuon sa kanya ang atensiyon ng mga netizens matapos lumabas ang balita tungkol sa pagbabalikan nina Joem at Meryll Soriano

- Maging ang kanyang ibinahaging mensahe sa kanyang social media account ay naiugnay ng marami sa kanilang sitwasyon

- Naging magkarelasyon sina Joem at Crisha sa loob ng walong taon bago ang kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natuon ang attensiyon ng marami sa YouTuber na si Crisha Uy kasunod ng rebelasyon ni Meryll Soriano kaugnay sa pagkakaroon niya ng baby at ang pagbabalikan nila ni Joem Bascon.

Naging usap-usapan ang emosyonal na pagbabahagi ni Crisha tungkol sa pagtatapos ng walong taong relasyon nila ni Joem noong nakaraang taon.

Mataposs pumutok ang balitang nagkabalikan na sina Meryll at Joem, hindi nakaligtas sa mga netizens ang mensaheng ibinahagi ni Crisha sa kanyang Instagram stories.

Barbie Imperial, kinumpirma ang napabalitang relasyon nila ni Diego Loyzaga
Crisha Uy, trending sa social media matapos magbahagi ng makuhugang quote

Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram

"So proud of how I handled this year. I fought so many silent battles, I had to humble myself. Wipe my own tears and pat myself on the back."

Sa emosyonal na video ni Crisha noong Enero nang nakaraang taon, matatandaang sinabi niyang wala siyang pinagsisihan sa lahat ng nangyari.

"Hindi ko ni-regret na naging kami, yung 8 years namin kasi mahal ko naman sya. Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa. We have fell out of love. Hindi ko naman pwedeng pilitin yung taong di na ako mahal. Mahirap tanggapin pero kailangan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang lumabas ang balitang muling nagkabalikan sina Meryll at Joem noong Enero taong 2020 kung saan nagkasama sila sa teleseryeng pinabidahan ni Judy Ann Santos, ang "Starla." Una silang nagkatrabaho sa ABS-CBN television show na ‘I Love Betty La Fea’ noong 2008 kung saan sila unang nagkatrabaho at naging magkarelasyon.

Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame

Gayunpaman, Oktubre ng taong 2010 nang kumpirmahin ni Joem na hiwalay na sila ni Meryll. Naging mailap ang dalawa sa media kaugnay sa napabalitang muli nilang pagbabalikan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Crisha Uy ay isang social media influencer at YouTube content creator. Nagsama sila ni Joem ng walong taon. Kaya naman, muling binalikan ng karamihan ang emosyonal na video ni Crisha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel