Lolit Solis, ipinagtanggol si Jomari Yllana laban sa dating live-in partner nito

Lolit Solis, ipinagtanggol si Jomari Yllana laban sa dating live-in partner nito

- Ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang pananaw sa inilabas ng dating live in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes

- Sana umano ay hindi na umabot sa pagpapaalam sa publiko ang lahat at dapat ay nag-usap na lang ang dalaawa

- Para kay Manay Lolit, hindi naman umano lahat ay dapat iasa sa lalaki at dapat bilang ina ay gumawa din ito ng paraan

- Dagdag pa niya, hindi lang naman ang babae ang may rights, kahit lalaki meron din karapatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Jomari Yllana matapos ilabas ng dating live-in partner nitong si Joy Reyes ang umano'y pagkaputol ng kanilang kuryente dahil umano sa pagpapabaya ng aktor, ipinagtanggol ni Lolit Solis si Jomari.

Aniya, hindi na dapat umabot sa ganoon ang kanilang sitwasyon at dapat ay pinag-usapan na lang nila ang problema para sa kanilang mga anak.

Suzette Doctolero, pinalagan ang mga nambabatikos sa Voltes V
Lolit Solis, ibinahagi ang kanyang opinyon hinggil sa isyu ni Jomari Yllana at ex nito

Jomari Yllana
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabuksan na naman issue tungkol kay Jomari Yllana at sa ex niya na Joy ang name yata Salve. Kagulat naman na 100K ang electric bills na dapat bayaran , gaano ba kalaki ang bahay, pati ba restroom o toilet may aircon ? Saka bakit mo pina abot sa ganuon kalaki ang bills, hindi ba dapat ayusin agad para hindi lumaki ? Ewan ko kung ano ang usapan nila Jomari at ex niya, pero hindi naman siguro ganuon ka iresponsable sa Jomari para hindi ayusin kung para man lang sana sa mga anak niya. Dalawa naging anak niua kay Joy, sure ako kahit paano binibigyan iyon ng sustento ni Jomari lalo pa at mga bata pa ito.

Pinuna ni Manay Lolit ang paglabas sa social media ng dating live-in partner ni Jomari. Paliwanag pa ng showbiz news writer, sa ginagawa umanong ito ni Joy ay lalong walang maibibigay si Jomari kaya dapat daw ay sabihin niyang direkta sa aktor ang nais nitong sabihin.

Kampo ni Christine Dacera, sinagot ang alegasyong P2M insurance claim ang habol nila

Gayunpaman, nauna nang sinabi ni Joy na naka-block umano siya sa aktor kaya wala siyang ibang paraan kung paano kokontakin ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram. Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel