Kampo ni Christine Dacera, sinagot ang alegasyong P2 M insurance claim ang habol nila
- Mariing pinabulaanan ng kampo ni Christine Dacera ang mga paratang na pera ang habol ng pamilya nila sa kanilang patuloy na pakikipaglaban para sa kaso ng flight attendant
- Ilang mga netizens ang nagsasabing insurance claim lamang daw ang habol ng pamilya kaya hindi nito matanggap na natural cause ang ikinamatay ni Christine
- Sinagot din nila ang tungkol sa puna ng publiko na tila may special treatment sa kanila dahil sa dami ng sundalong narooon sa libing
- Ayon sa ina ni Christine na si Sharon Dacera, ang tanging hangad niya lang ay mabigyan ng hustisya ang anak at hindi na maulit ang umano'y sinapit ni Christine sa ibang babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakapanayam ni Boy Abunda ang kampo ni Christine Dacera kaugnay sa pag-usad ng kaso at upang tanungin sila hinggil sa ilang mga bagay na patuloy na kinikuwestiyon ng ilang netizens.
Ayon sa kampo ng namayapang flight attendant, walang katotohanan na insurance claim ang hinahabol nila kaya hindi nila matanggap na natural cause ang ikinamatay ni Christine.
Paliwanag ng abogado ng pamilya, hindi na-apply ng pamilya Dacera ang insurance claim sa kadahilanang hindi sila naniniwala sa certificate of death mula kay Dr. Sarmiento.
Para umano ma-apply ang insurance claim kailangan magpasa ng death certificate ng pamilya nila sa insurance company.
Ayon pa sa kanila bilang mga AFP reservist, ang mga sundalong naroroon sa kanilang pagdadalamhati ay natural lamang.
Kabilang din sa nagbigay ng kanyang salaysay ay ang tita ni Christine.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon pa sa ina ni Christine, nakapag-usap pa sila ng anak bago magbagong taon. Tumagal umano ng halos limang minuto ang huli nilang pag-uusap.
Masaya umano si Christine habang nag-uusap sila ng anak. Nilinaw din niyang ito lang ang unang pagkakataon na hindi nagdiwang ng Christmas at bagong taon ang anak kasama ang pamilya.
Aminado siyang strict siya bilang isang ina at mas malapit umano si Christine sa ama.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang cabin crew ng Philippine Airlines na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Grand Hotel kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon ng kanyang mga kaibigan.
Naaresto ang tatlo niyang kasama na itinuring na suspek sa kanyang pagkamatay subalit pinakawalan din umano ito sa kakulangan ng ebidensya.
Enero 11 nang sabihin mismo ni Deputy Director Ferdinand Lavin ng NBI na mayroon silang nakitang very encouraging evidence sa isinasagawa nilang imbestigasyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh