Jolina Magdangal, nabiktima ng scammer sa Fb Marketplace

Jolina Magdangal, nabiktima ng scammer sa Fb Marketplace

- Ibinahagi ni Jolina Magdangal ang kanyang sama ng loob matapos mabiktima ng scammer

- Aniya, napagpasyahan niyang bumili ng halaman sa FB Marketplace nang makita niya ang gusto niyang halaman

- Nagpadala umano siya ng pera bilang pambayad sa pamamagitan ng Gcash at hindi inaasahang mabibiktima siya

- Hanggang sa hindi na umano nila mahagilap ng asawa niya ang account ng seller sa Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dismayadong ibinahagi ni Jolina Magdangal ang dinanas na pangloloko mula sa isang seller na kanyang nakita sa Facebook Marketplace.

Kwento ng TV host, sa kagustuhan niyang makabili ng cactus na Golden Barrel, agad niyang kinontak ang isang seller sa FB Marketplace na nagbebenta ng nasabing halaman sa murang halaga.

3 Golden Barrel at 7 pang kakaibang cactus ang binili ni Jolina at dahil tila maayos naman umano kausap ang seller, nagpadala siya ng bayad niya sa pamamagitan ng Gcash.

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis
Jolina Magdangal, nabiktima ng scammer sa Fb Marketplace

Photo from Jolina Magdangal Esqueta(@mariajolina_ig)
Source: Instagram

Ang huling mensahe umano nito sa kanya ay idedeliver na umano sa kanya ang mga cactus ngunit hindi na umano ito sumasagot kinagabihan hanggang kinabukasan ng Lunes.

Pinapatayan na umano siya ng telepono pag tumatwag siya kaya maging ang asawa ni Jolina na si Mark ay nagpadala ng mensahe para magkunwaring costumer. Nag reply umano ito nang una ngunit nang tanungin na kung nasaan ang order ng asawa niya, hindi na rin ito sumagot at hindi na rin ma-search sa Facebook.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito umano ang unang pagkakataon na mabiktima ang aktres ng scam.

Isang mensahe naman ang iniwan niya para sa seller na naloko sa kanya.

Kung sino ka man “Samantha” (yun ang gcash name nya, hindi ko alam kung yun talaga name nya), maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi yan ang paraan para kumita ka. Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account pero malamang itutuloy mo parin yang panloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat lahat. At pinagdasal na kita sa kanya.
Lalaking nanlimos pambili ng yosi, nanakit nang makulangan sa natanggap niya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jolina Magdangal-Escueta ay siang Pinay actress, TV host, singer at commercial endorser. Binansagan siyang Queen of Pinoy Popular Culture. Sa kasalukuyan, regular siyang napapanood bilang isa sa host ng Magandang Buhay kasama sina Melai Canteveros at Karla Estrada.

Bilang isa sa artistang may regular show sa ABS-CBN, pinakita ni Jolina at kasamahan ang pagsuporta sa TV network. Inihayag nila ang kanilang saloobin sa pagsasara ng Kapamilya Network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel