34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

- Emosyonal si Danny Cortezano nang ibahagi niya ang mga huling sandali ng kanyang misis na si Lorna Cortezano

- Matatandaang minsan silang nag-viral dahil sa kanilang kakaibang love story kung saan 34 taon ang agwat ng misis sa kanyang mister

- Nito lamang Disyembre pumanaw si Lorna dahil sa stage 4 cancer na noong Oktubre lang nakumpirma

- Mababakas ang lungkot kay Danny lalo na at sariwa pa ang sakit ng pagkawala ng misis ngunit makikita rin ang kanyang katatagan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Danny Cortezano, isa sa mga naging panauhin ng 'Bawal Judgmental' segment ng Eat Bulaga! nitong Enero 14.

Nalaman ng KAMI na pumanaw ang misis ni Danny na si Lorna Cortezano nito lamang Disyembre 29 ng nakaraang taon.

Matatandaang sina Danny at Lorna ay minsan nang nag-viral dahil sa kanilang nakakakilig na love story na sa kabila ng 34 taon na agwat nila sa isa't isa ay naging matibay ang kanilang pagmamahalan.

Pamilyang Padilla, inalala ang buhay ng namayapang si Royette Padilla
34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

Photo: Danny at Lorna Cortezano (Danny Loves Lorna)
Source: Facebook

Kwento ni Danny, Oktubre lamang ng 2020 nang lumabas ang mga sintomas ng karamdaman ni Lorna na Gastric Carcinoma. Ang masaklap, stage 4 na ang kanser niyang ito na masasabing nagpahirap umano sa mga huling sandali ng buhay nito.

Hirap nang kumain at dumumi noon si Lorna na kahit pa na-operahan ay hindi na napigilan ang paglaki ng tumor sa katawan.

Sa loob ng dalawang buwang gamutan, aminado si Danny na umaasa pa rin siyang gagaling ang kanyang misis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit nitong Disyembre 29 ng nakaraang taon, sa kahilingan na rin ni Lorna ay namayapa na ito.

Ayon pa kay Danny, labis niyang mami-miss ang asawa niyang palangiti kanino man. Sa loob ng walong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa at idagdag pa umano ang pitong taon nilang pagiging matalik na magkaibigan hanggang sa nahulog ang loob nila sa isa't isa, nasabi ni Danny na wala na siyang hihilingin sa kanyang misis.

Misis ng napagkamalang magnanakaw at nabaril umano ng pulis, idinetalye ang pangyayari

At gaya nga ng mensahe nito sa kanya noong una silang naging panauhin ng 'Bawal Judgmental' noong 2019, minahal siya nito hanggang sa wakas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Danny at Lorna ay minsan nang naging usap-usapan sa social media dahil sa kahanga-hanga nilang pagmamahalan.

Katunayan, bukod sa Eat Bulaga, isinadula pa sa Maalaala Mo Kaya ang kwento ng kanilang pag-iibigan na nagbigay inspirasyon sa marami.

Tulad nina Lorna at Danny, isang love story din ang hinangaan noong nakaraang taon matapos na magpakasal ang magkasintahang sina Hannah at Javier kahit pa may malubhang karamdaman ang nobyo.

Ilang araw matapos ang emosyonal na pag-iisang dibdib, pumanaw na rin si Javier.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel