Misis ng napagkamalang magnanakaw at nabaril umano ng pulis, idinetalye ang pangyayari

Misis ng napagkamalang magnanakaw at nabaril umano ng pulis, idinetalye ang pangyayari

- Nakapanayam ng "Raffy Tulfo in Action" ang misis ng construction worker na napagkamalang magnanakaw ng isang pulis sa Pampanga

- Ang masaklap, naganap ang insidente sa mismong kaarawan ng kanyang bunsong anak

- Idinetalye ng misis ang nangyari at nabanggit nitong sinubukan pang isalba ng ospital ang buhay ng mister

- Pangako naman niyang ilalaban niya ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam ng Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Carla Pineda, ang misis ng nabaril na construction worker na si Federico Pineda.

Nalaman ng KAMI na sumadya pa sa Sta. Rita Pampanga ang staff ng RTIA upang kumustahin ang lagay ng naulila ng construction worker.

Matatandaang si Federico ang lalaking tinugis ng pulis matapos na siya'y mapagbintangan na magnanakaw dahil pareho sila ng suot ng hinahabol nito.

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis
Misis ng napagkamalang magnanakaw at nabaril umano ng pulis, idinetalye ang pangyayari

Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ang masaklap pa sa nangyari, naganap ang insidente sa mismong araw ng kaarawan ng bunsong anak ng biktima.

Mayroon lamang daw itong hinatid mula sa handaan ng anak nang matiyempuhan ng pulis na noo'y may hinahabol na magnanakaw sa kanilang lugar.

Kwento pa ni Carla ang misis ng biktima, nadala pa umano nila sa ospital ang kanyang asawa na duguan na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masasabi niyang ginawa talaga ng ospital ang lahat ng kanilang makakaya, maisalba lamang ang kanyang mister subalit marami nang dugo ang nawala rito. Hindi nagtagal ay pumanaw din ito.

Masakit para kay Carla ang pangyayari lalong lalo na sa kanilang mga anak na hangad na buo pa rin sana ang kanilang pamilya.

Labis din umanong nagtataka ang mga ito sa sinapit ng ama dahil alam nilang mabuting tao ito.

Naihatid na sa huling hantungan si Federico, isang linggo matapos ang insidente na naganap noong Enero 3.

Lalaking nanlimos pambili ng yosi, nanakit nang makulangan sa natanggap niya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang sinapit ni Federico sa mga kasong bumungad sa taong 2021. Bukod sa insidenteng ito, naging kontrobersyal din ang pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera noon mismong Enero 1. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagresolba sa kaso upang matukoy ang totoong sanhi ng kanyang pagkamatay.

Bago naman matapos ang taong 2020, isa ring insidente ng pamamaril ng pulis ang naganap sa Paniqui, Tarlac. Ito ay ang mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio na umano'y napaslang ng kapitbahay nilang pulis na si Jonel Nuezca.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel