Lalaking nanlimos pambili ng yosi, nanakit nang makulangan sa natanggap niya
- Nagawang manaksak ng isang lalaki sa Pangasinan matapos na makatanggap na kulang na limos mula sa kanyang hiningan
- Nanghingi raw umano ang lalaki ng kanyang pambili ng yosi na binigyan naman agad ng biktima
- Subalit nang tila ito'y nakulangan, nanuntok at nakuha pang manaksak ng nanghingi ng pera
- Itinatanggi pa ng lalaki ang kanyang nagawa at sinabing siya pa umano ang napagtulungang saktan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isaang lalaking nanghihingi na nga lang ng kanyang pambili ng sigarilyo sa Calasiao, Pangasinan ang nakuhang manakit at manaksak ng kanyang hinihingan.
Nalaman ng KAMI na dahil sa tila nakulangan umano ang suspek sa hiningi niyang perang pambili ng sigarilyo at nagawa na nitong manakit.
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV, matapos na manlimos ay biglang nag-amok ang 44-anyos na suspek na ngayon ay nasa piitan na.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Sa panayam kay PLT. Bonald Paragas, ang investigation officer ng Calasiao Police, matapos na mabigyan ng limos ang lalaki ay tila nagkaroon ng di pagkakaunawaan ito at ang nagbigay sa kanya.
Nagawang suntukin at tila hindi pa nasiyahan ang suspek na nagawang sasakin pa ang kaawa-awa niyang biktima. Nadala naman sa pagamutan ang nagbigay ng limos habang nagtamo rin ng mga sugat ang suspek.
Itinatanggi pa ng lalaki na siya umano ang nagsimula ng gulo gayung siya raw ang napagtulungang saktan.
Inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya. Napag-alaman ding makailang beses na itong nasasangkot sa mga kaguluhan sa kanilang lugar na tila ba'y gawain na umano niya ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, nito lamang Enero 3, isang pasahero ang nagawang sunugin ang konduktor ng isang bus sa Quezon City matapos na sila ay magtalo.
Parehong nasawi ang dalawa habang ilang pasahero ang sugatan sa nagliyab na bus.
Matapos ang imbestigasyon, napag-alamang dating kasintahan ng konduktora ang suspek at hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay.
Nagawa pa umano ng lalaki na mag-post sa kanyang social media ng animo'y mga pagbabanta na sinasabing may kaugnayan sa plinano nitong gawin sa dating nobya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh