Lola na iniwan umano sa kotse, humingi ng saklolo matapos na mahirapang huminga
- Hirap nang makahinga at naliligo na sa sariling pawis ang isang lola na iniwang sa loob ng kotse
- Naka-parada ang sasakyan sa parking area ng isang supermarket sa Alabang nang makita ito ng isang nagmalasakit
- Pilit umanong pinabubuksan ng matandang babae ang pinto ng kotse kaya humingi na rin ng tulong ang nakakita sa kanya
- Umabot pa isang oras bago dumating ang mga kasama ng lola na tila minasama pa ang pagtulong na ginawa sa matanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang post tungkol sa isang lola na iniwan umano sa loob ng kotse na nakaparada sa parking area ng isang supermarket sa Alabang.
Nalaman ng KAMI Na ibinahagi ito ng mismong nagmalasakit na tumulong sa matanda na si Grace Samillano.
Ayon sa panayam ng GMA News kay Grace, naliligo na raw sa sariling pawis ang lola nang makita nito at nakikiusap na buksan ang pinto ng sasakyan.
Humingi ng tulong si Grace sa staff at security personnel ng supermarket upang maayos na matulungan ang matanda.
Nang tanungin pa niya ang lola, gutom na gutom at uhaw na uhaw daw ito habang naghihintay sa mga kasama nito.
Agad na pinaypayan ng mga rumespondeng staff ng supermarket ang hirap nang makahinga na lola.
Inusisa rin ni Grace kung kaano-ano ng lola ang mga kasamang nag-iwan sa kanya sa loob ng sasakyan.
"Hindi raw niya kaano-ano, sabi ko 'nay, totoo bang hindi mo kaano-ano? Anak mo ba siya, pamangkin, hindi rin daw, kasama lang siya sa bahay," ang paliwanag ni Grace.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Subalit hindi rin daw ito kasambahay ng mga kasama niya paglilinaw pa nito.
Mula nang mabuksan ang pinto, umabot pa ng isang oras bago dumating ang mga kasama ng lola na tila hindi pa raw nagustuhan ang pagtulong na ginawa sa matanda.
Tinanong na lamang ni Grace kung kaano-ano ba ng mga ito ang lola. Subalit tulad ng sagot ng matanda, wala silang malinaw na sagot na naibigay.
Ang tanging sinabi lamang ng mga kasama nito ay may roong Alzheimer's disease ang lola.
Kahit hindi nagustuhan ni Grace ang sagot ng mga kasama ng lola, minabuti na lamang niyang umalis at saka naisipang i-post ang sinapit ng kaawa-awang matanda.
"Sa akin lang, gusto kong makita 'yung welfare talaga nung matanda, ni nanay kung kumusta siya talaga ngayon. And if in case na hindi niya talaga kamag-anak, I hope they find a way na mahanap yung relative ni mommy," pagmamalasakit pa rin ni Grace.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, isa ring lolo na naglalako ng tinapay sa may overpass sa North Avenue sa Quezon City ang natulungan matapos na mag-viral. Kinakailangan kasi nito ng pambili ng gamot kaya kahit may karamdaman ay napipilitan pa ring maglako.
Gayundin ang isang lolo na kahit na hirap nang maglakad dahil nagkaroon pala ito ng mild stroke ay naglalako pa rin ito ng basahan sa Pasig City. Matapos mag-viral ng post ng nagmalasakit sa kanya, dinagsa na rin ito ng tulong.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh