Viral na lolo na naglalako ng tinapay sa footbridge, dinagsa ng tulong

Viral na lolo na naglalako ng tinapay sa footbridge, dinagsa ng tulong

- Matapos na mag-viral ang isang lolo na naglalako ng tinapay sa may footbridge ng North Edsa, dinagsa siya ng tulong mula sa mga netizens

- Ayon sa uploader, nadurog ang kanyang puso nang makita ang matandang dati pa niyang nadaraanan sa nasabing footbridge

- Matapos daw kasi nitong maglako ng tinapay ay namamalimos pa raw ito

- Nalaman niyang naoperahan pala ang matanda kaya naman doble kayod ito pantustos sa kanyang patuloy na gamutan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ang matandang nagtitinda ng tinapay sa footbridge ng North Edsa matapos na ito'y mag-viral dahil sa nagmalasakit ng netizen.

Nalaman ng KAMI na mula nang mag-viral ang post ni Desiree Dy Cunanan, unti-unti nagsi-datingan ang mga tulong sa matandang nakilala bilang si Tatay Eduardo.

Kwento ni Desiree, matagal na umano niyang nakikita ang matanda sa nasabing footbridge ngunit napansin niyang bukod sa paglalako ay namamalimos na rin ito na hindi naman daw nito dating ginagawa.

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan
Viral na lolo na naglalako ng tinapay sa footbridge, dinagsa ng tulong

Tatay Eduardo Photo from Desiree Dy Cunanan
Source: Facebook

"Naiiyak ako noong nakita ko siya kasi pagkatapos niyang magtinda, namamalimos na siya," ani Desiree sa kanyang viral post.

"Hindi po siya ganyan dati, pagkatapos niyang magtinda, umuuwi na siya. Nagsisikap po siya magtinda araw-araw para pangtustos sa pangaraw-araw nila ng asawa niya," dagdag pa ng uploader.

Mas lalong nadurog ang puso niya nang malamang kaya pala doble kayod ito ay dahil naoperahan ito sa bato kaya kailangan niyang kumita ng pera para sa kanyang patuloy na gamutan.

"Naoperahan siya sa bato kaya kailangan niya ng pang-maintenance kaya nanghihingi na po siya ngayon. Dati 'pag may nagbigay lang, tinatanggap niya, pero ngayon nagdodoble kayod siya."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matagal-tagal din daw niyang hinanap si Tatay Eduardo sa pwesto nito sa footbridge at nang mapag-alaman ni Desiree ang dahilan, naisipan niyang i-post ang larawan nito upang makapangalap ng tulong.

Mismong kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, nakapanayam ng RTIA

Hindi naman nabigo si Desiree dahil sa dami na ng nagpapaabot ng tulong para kay Tatay Eduardo.

Nagbigay ng update ang uploader ang ibinahagi niya ang transaction details ng mga netizens na nagpapaabot ng tulong kay Tatay Eduardo lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

"Update po para sa mga nagpaabot po ng tulong kay tatay. Sobrang saya at sobrang nagpapasalamat po si tatay sa inyong lahat. Maging ako po ay nagpapasalamat sa pagtitiwala niyo po sakin na makakaabot kay tatay ang tulong niyo. Hindi niyo man po ako kilala, malaking tulong po yun para kaya tatay," ang bahagi ng update ni Desiree.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na sa panahon man ng kagipitan, mayroon pa ring mga nagmamalaskit na magbahagi ng kanilang biyaya lalo na sa mga kapos-palad.

Tulad na lamang ng isang customer ng food delivery services kung saan pinakisuyuan niya ang delivery rider na magbahagi ng kanyang order na 40 piraso na burger sa mga madaraanan nito sa kalsada.

Jonel Nuezca, emosyonal na sinabing nais niyang ituwid ang kanyang pagkakamali

Samantala, tulad din ni Tatay Eduardo, isang matandang naglalako ng basahan sa Pasig City na nagkaroon umano ng mild stroke ang dinagsa rin ng tulong matapos na mag-viral ang post ng nagmalasakit na netizen.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel