Pasaherong sinunog ang konduktora ng bus QC, nakilala na

Pasaherong sinunog ang konduktora ng bus QC, nakilala na

- Kinilala na ng BFP ang lalaking sumunog sa konduktora ng bus sa Commonwealth Ave. sa Quezon City noong Enero 3

- Napag-alamang dating kasintahan ng konduktora ang lalaking nagpanggap na pasahero na may matinding galit sa dating nobya

- Kinumpirma ng mga pasahero ang hitsura ng lalaki nang makakuha ang Quezon City BFP ng larawan ng suspek

- Gayunpaman, sinunog din ng lalaki ang sarili at kasalukuyan pa ring nasa punerarya ang bangkay nito dahil sa wala umano itong kamang-anak sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakilala na ang lalaking nagawang sunugin ang konduktora ng isang bus na bumibiyahe sa Commonwealth Ave. Quezon City noong Enero 3.

Nalaman ng KAMI na dati umanong live-in partner ng konduktora na si Ameline Sembrana ang suspek na si Edwin Dejos ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Read also

Flight attendant na si Christine Dacera, naihatid na sa huling hantungan

Sa ulat ng PhilStar, inanunsyo ni Chief Insp. Joseph del Mundo ng Quezon City BFP ang pagkakakilanlan sa lalaki sa pamamagitan ng mga larawang nakuha nila sa Facebook nito.

Pasaherong sinunog ang konduktora ng bus QC, nakilala na
Commonwealth Avenue Quezon City Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Kinumpirma ng mga pasahero na si Dejos nga ang nakaalitan ng konduktora na inakala nilang nagtatalo sa tungkol sa tamang babaan.

Ayon pa sa Quezon City BFP, nakapagpost pa umano si Dejos ng matinding galit tungkol sa paghihiwalay umano nila ni Sembarana. Mayroon silang tatlong naulilang anak.

Kasalukuyan namang nasa punerarya sa Barangay Payatas ang labi ni Dejos dahil wala umano itong kamag-anak sa Maynila na maaring kumuha ng kanyang bangkay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ulat ng GMA News, sinilaban ni Dejos ang kanyang sarili matapos niyang sunugin ang dating kasintahan.

Sugatan naman ang apat pang pasahero na lahat nama'y nakababa ng bus sa tulong driver na bahagya ring nasugatan.

Read also

Valentine Rosales, nag-sorry sa ilang nabitawang salita tungkol sa mga tao ng Rm. 2207

Base pa sa ulat ng Inquirer, talagang nagkasakitan pa umano sina Dejos at Sembarana. Hanggang sa inilabas na Dejos ang dala nitong gasolina saka sinilaban ang konduktora.

Maging ang bus ay nagliyaab din dala na rin ng mga plastik na materyales na nasa loob nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa lamang ang trahedyang ito sa mga di magandang nangyari sa pagbungad ng taong 2021.

Enero 1 nang matagpuang patay ang 23-anyos na flight attendant sa isang hotel sa Makati City. Patuloy pa ring inaalam ang sanhi ng kanyang pagkamatay na nanatiling kontrobersyal hanggang ngayon.

Gayundin ang pamamaril ng isang pulis sa isang construction worker napagkamalan nitong magnanakaw sa Pampanga. Hustisya ang sigaw ng pamilya nito lalo na at ang kasong naisampa sa pulis ay maari pa rin umano itong makapagpiyansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica