Flight attendant na si Christine Dacera, naihatid na sa huling hantungan
- Nailibing na ang flight attendant na si Christine Angelica Dacera, umaga ng Enero 10
- Inihatid siya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa Forest Lake Memorial Park, General Santos City kung saan ilalagak ang kanyang labi
- Hiling pa rin ng pamilya Dacera ang hustisya umano sa pagkamatay ni Christine at nagpasalamat din ang ina nito na si Sharon sa media na naghahatid ng totoong balita kaugnay sa pagkamatay ng kanyang anak
- Isang araw bago ang libing ni Christine ay isinagawa ang pangalawang autopsy na pinangunahan ng NBI
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naihatid na sa huling hantungan ang mga labi ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera ngayong umaga ng Enero 10.
Nalaman ng KAMI na bukod sa pamilya ay may ilang malalapit na kaibigan na sumamang maghatid sa kay Christine sa Forest Lake Memorial Park sa General Santos City.
Isang araw bago ang kanyang libing, isinagawa naman ang ikalawang autopsy sa kanyang labi na pinangunahan ng National Bureau of Investigation.
Kumuha umano ang forensic team ng NBI ng tissue samples kay Dacera upang matukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ayon din sa NBI, nasa kanila na ang mga pangalan ng mga taong nasa room 2207, ang isa pang silid na umano'y pinupuntahan din ni Christine ilang oras bago siya natagpuang walang buhay.
Kasama na umano ang mga taong natukoy na ito mula sa room 2207 sa inimbitahan ng NBI sa Enero 11 upang magbigay salaysay ukol sa mga huling sandali na nakasama o nakita nilang buhay si Dacera.
Samantala, hustisya naman ang hiling ng ina ni Christine na si Sharon Dacera bilang mensahe niya sa libing ng anak.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Ipagpapasa-Diyos ko nalang sila, yung lang po muna. Ipanalangin niyo po na magkaroon ng justice ang soul ng aming Christine Angelica..." ang pahayag ng ina ni Christine.
Pinasalamatan din niya ang media na naroon at sa patas ng pagbabalitang kanilang inihahatid sa publiko.
"We are praying for the justice of our baby Ica, Beautiful Christine, maraming salamat po to the people who are only giving right news at tamang balita, maraming salamat."
Narito ang ilang mga kaganapan sa libing ni Christine Dacera mula sa News5.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera na sinalubong pa ang Bagong Taon kasama ang ilan niyang mga kaibigan sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.
Naaresto ang tatlong itinuring na suspek subalit dahil sa kakulangan umano ng ebidensya ay pinalaya na rin ang mga ito.
Sa linggong ito inaasahang malalaman ang resulta ng ikalawang autopsy na isinagawa ng NBI sa labi ng yumaong cabin crew.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh