Mga tao sa Room 2207 kaugnay sa Christine Dacera case, natukoy na ng NBI

Mga tao sa Room 2207 kaugnay sa Christine Dacera case, natukoy na ng NBI

- Natukoy na ng NBI ang mga tao na nasa isang silid na pinupuntahan din umano ni Christine Dacera bago siya pumanaw

- Sa Lunes, Enero 11 ay inaasahang sisipot ang mga ito na kabilang sa 11 na mga personalidad na naimbitahan sa NBI upang magbigay ng kanilang salaysay ukol sa mga huling oras na nakasama o nakita nila si Dacera

- Nasa General Santos City na rin ang forensic team ng NBI na kukuha ng tissue samples sa labi ni Dacera bilang bahagi ng imbestigasyon

- Sa susunod na linggo inaasahang lalabas ang resulta nito na sinasabing malaki ang maitutulong upang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng flight atettendant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa National Bureau of Investigation na ang mga pangalan ng tao sa room 2207, ang isa pang silid na pinupuntahan umano ni Christine Dacera ilang oras bago siya matagpuang wala nang buhay sa bath tub ng isang hotel sa Makati noong Enero 1.

Read also

Flight attendant na si Christine Dacera, naihatid na sa huling hantungan

Ayon sa ulat ni John Consulta ng 24 Oras, tukoy na ng NBI ang mga taong nakasalamuha ni Dacera sa kabilang silid subalit minabuti nilang hindi muna isapubliko ang mga pangalan nito.

Nalaman ng KAMI na kasama na ang mga taong ito sa naturang kwarto sa mga personalidad na inanyayahan ng NBI upang magbigay ng kani-kanilang salaysay sa huling oras na nakasama o nakita nila ang yumaong 23-anyos na flight attendant.

Mga tao sa Room 2207 kaugnay sa Christine Dacera case, natukoy na ng NBI
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Kung gusto niyong makipagtulungan sa NBI, meron kayong alam, you want to clear your names, you can come here with your lawyers. We rest assure you that we will handle the investigation as professionally as we could get,” ang pahayag ni NBI spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin.

Samantala, nasa General Santos City na rin ang forensic team ng NBI na kukuha umano ng tissue samples sa labi ni Dacera bilang bahagi ng isasagawa nilang imbestigasyon.

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, kinumpirmang single na siya

Sa susunod na linggo lalabas ang resulta ng eksaminasyon na inaasahan umanong malaki ang maitutulong upang matukoy ang totoong nangyari sa flight attendant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel nagdiwang ng Bagong Taon si Christine Dacera kasama ang ilan niyang mga kaibigan.

Sinasabing isa sa mga kasama ni Dacera sa naturang kwarto ang nagdala at nagpakilala naman sa kanila sa mga tao sa room 2207 na kasama na rin ngayon sa hihingan ng pahayag tungkol sa kaso.

Nagbigay pahayag na ang ilan sa mga nakasama ni Dacera sa araw na natagpuan siyang wala nang buhay na mariing itinatanggi ang paratang na may kinalaman sila sa pagkamatay ng dalaga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica