Valentine Rosales, nag-sorry sa ilang nabitawang salita tungkol sa mga tao ng Rm. 2207

Valentine Rosales, nag-sorry sa ilang nabitawang salita tungkol sa mga tao ng Rm. 2207

- Humingi ng paumanhin si Valentine Rosales, isa sa mga inaakusahan sa kaso ni Chrisitne Dacera, sa ilang nabitawan niyang salita tungkol sa umano'y mga tao sa room 2207

- Sa kanilang press conference na ginanap nitong Enero 7, inihayag nina Valentine at apat pang mga kaibigan ang detalye sa araw kung kailang natagpuan nilang walang malay at kalaunan ay nawalan na rin ng buhay na si Dacera

- Sa sobrang tensyon at tindi ng emosyon sa naturang interview, nakagamit daw ng di nararapat na mga salita si Valentine

- Samantala, ang ilang netizens ay nagpahayag pa ng paghanga kay Valentine sa pagiging kalmado at natural nito sa naturang interview

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Valentine Rosales patungkol sa mga tao na nakilala umano nila sa isang pang kwarto ng City Garden Hotel sa Makati City kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon kasama ang yumaong flight attendant na si Christine Dacera.

Read also

Flight attendant na si Christine Dacera, naihatid na sa huling hantungan

Nalaman ng KAMI na ang nag-viral na pahayag ay nang sabihin umano ni Rosales na "walang gwapo" at "matatandang bakla" umano ang mga nadatnan nila sa room 2207 kung saan sila nina Dacera ay nakita ring makailang beses na bumalik.

Sa kanyang Twitter post, humingi ng pumanhin si Rosales dahil sa di raw tamang mga salita ang kanyang nagamit para ilarawan ang mga tao sa room 2207.

Valentine Rosales, nag-sorry sa ilang nabitawang salita tungkol sa mga tao sa Rm. 2207
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

"Sorry since I’m very tense and full of emotion to provide nothing but the truth to everyone I used inappropriate words to describe those in 2207," ang bahagi ng tweet ni Rosales.

Samantala, ang ilang netizens naman ay nagpahayag ng paghanga sa kanya sa pagiging natural at kalmado nito habang isinasagawa ang press conference noong Enero 7 kung saan niya nabitawan ang ngayo'y kontrobersyal na pahayag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Mga tao sa Room 2207 kaugnay sa Christine Dacera case, natukoy na ng NBI

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Pero aliw na aliw ako sa face expression mo confirm n beki ka po haha Face with tears of joy be strong lang kapit pa rin kay GOD matatapos din yan!"
"Ako lang ba, yung natuwa pa kay Valentine sa interview? napaka-natural. mukhang nagsasabi sila ng totoo"
"Aliw si Valentine, very true sa sarili and chill lang"
"'Wag kang mag-sorry Valentine, that's who you are. saka kung totoo naman talaga"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Valentine ay isa sa mga inakusahan na may sala sa pagkamatay ni Chrisitine Dacera. Ang iba pa nilang kasama na sina John dela Serna, Rommel Galido at John Paul Halili ay naditena ng ilang araw sa Makati Police subalit sa kakulangan ng ebidensya, sila rin ay pinalaya.

Enero 1 nang matagpuang hindi na umano humihinga si Dacera na agad namang dinala sa clinic ng hotel na kanilang tinuluyan. Nadala pa umano ito sa Makati Medical Center subalit doon na siya idineklarang dead on arrival.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica