Toni Fowler at Rob Moya, nagkahiwalay na

Toni Fowler at Rob Moya, nagkahiwalay na

- Muling napag-usapan ang kontrobersiyal na vlogger na si Toni Fowler at kanyang live-in partner na si Rob Moya

- Kaugnay ito ng lumabas na balitang naghiwalay na ang dalawa dahil na rin sa mga makahulugang post nila sa social media

- Kasunod nito ay nilinaw ni Toni sa pamamagitan ng isang vlog na kasalukuyan nilang inaayos ang kanilang relasyon

- Sa kanyang guesting sa Bawal Judgemental segment ng "Eat Bulaga", binanggit din ni Toni na single na siya sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga tagahanga at tagasubaybay ng Toro Family ang nalungkot sa balitang naghiwalay na sina Toni Fowler at Rob Moya.

Nagsimulang lumabas ang espikulasyon matapos nilang magpost sa social media ng mga nakakaintrigang hugot.

Sa isang video ay nabanggit ni Toni sinubukan nilang ayusin ni Rob ang kanilang relasyon ngunit matapos lang ang ilang araw ay tahasan na niyang inamin na single na siya.

Read also

Kaibigan ni Toni Fowler, napaiyak dahil sa pinagdadaanan ng kaibigan

Toni Fowler at Rob Moya, nagkahiwalay na
Photo from Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Nasundan pa ito ng kanyang pag-amin sa kanyang guesting sa Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga kung saan naging emosyonal siya.

Nanatiling tikom naman ang bibig ng magkabilang kampo tungkol sa umano'y dahilan ng hiwalayan. Ilan sa mga bahagi ng Toro Family ay hindi na rin kasama si Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin din na maging si Rob ay hindi na kasama sa mga vlog ni Toni. Marami naman sa kanilang tagasubaybay ang umaasa pa rin na magkaayos pa ang dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls. Matapos madawit sa hiwalayang Jelai Andres at Jon Gutierrez, lalong dumami ang sumuporta sa kanya hanggang sa lumago ang kanyang followers sa kanyang YouTube Channel.

Read also

Kampo ni Tim Sawyer, umalma sa pambabatikos kasunod ng paglabas ng isang video

Sa kasalukuyan, unti-unti nang nagkakamabutihan ang mag-asawang Jon at Jelai.

Matatandaang kinompronta ni Toni ang isang basher na dinamay pati ang kanyang anak na si Tyronia sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo. Gayunpaman, iginiit ng nasabing basher na na-hack umano ang kanyang Facebook account at itinangging siya ang nangbash kay Toni. Kaya naman nang sumablay ito sa lie detector test, nanindigan si Toni na kakasuhan niya ito

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel