Pamilyang Padilla, inalala ang buhay ng namayapang si Royette Padilla

Pamilyang Padilla, inalala ang buhay ng namayapang si Royette Padilla

- Inalala ng Pamilyang Padilla ang buhay ng namayapang aktor na si Royette Padilla

- Nitong Linggo ay isa-isa nilang binalikan kung gaano naging kapatid at kaibigan ang aktor

- Matatandaang lumabas ang balitang pumanaw ang aktor noong Jan 9, 2021 sa edad na 58

- Si Royette ay naging artista din at gumanap sa ilang pelikula kagaya ng kanyang mga kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang Facebook live video, ibinahagi ng Pamilyang Padilla ang kanilang pagbabalik-tanaw sa naging buhay ng aktor na si Royette Padilla.

Naihatid na sa huling hantungan si Royette nitong Biyernes. Pumanaw siya noong January 9, 2021.

Pamilyang Padilla, inalala ang buhay ng namayapang si Royette Padilla

Robin Padilla (Photo from Flickr)
Source: UGC

Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ay ang mga anak ni Royette. Sa kabila ng pagpanaw ng ama, kahit papaano ay natatanggap nilang magkasama na sila ng kanilang mama dahil halos isang taon lang ang pagitan ng kanilang pagpanaw.

KC Concepcion, pinasilip ang pa-surprise nya sa inang si Sharon Cuneta

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din napigilang maging emosyonal ni Rommel Padilla habang nagbibigay ng mensahe sa kapatid.

Sa pamamagitan ng tawag ay nagbigay din ng kanyang mensahe si BB Gandanghari na kasalukuyang nasa Amerika.

Pinangako naman nina Robin at Rommel na hindi nila pababayaan ang mga naiwang anak ng kanilang kapatid.

Ipinaliwanag naman ng kaniyang doktor ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Bumigay ang kanyang puso matapos niyang magkaroon ng Aortic dissection.

Naoperahan pa umano ito. Tumagal pa ng ilang araw si Royette bago tuluyang pumanaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Panganay na kapatid nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) si Royette na gumanap sa ilang pelikula noong dekada 90 kagaya na lang ng Mistah noong 1994, Buhay Kamao at Alab ng Lahi noong 2003.

Xia Vigor, walang kaarte-arteng tumulong sa pagtatanim kahit maputik

Bilang kabilang sa pamilya ng mga prominenteng artista, naging usap-usapan ng publiko ang pamilyang Padilla. Si Royette ay isa lamang sa mga anak ang aktor na si Roy Padilla, Sr. at ng actress na si Eva Cariño.

Isa sa mga kontrobersiyang yumanig sa mundo ng showbiz ay ang pag-amin ng dating matinee idol na si Rustom Padilla tungkol sa kanyang tunay na katauhan. Sa katunayan, kilala na siya ngayon bilang si BB Gandanghari.

Gayunpaman, kamakailan ay humingi ito ng dispensa sa kanyang mga nasabi laban sa kapatid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel