KC Concepcion, pinasilip ang pa-surprise nya sa inang si Sharon Cuneta

KC Concepcion, pinasilip ang pa-surprise nya sa inang si Sharon Cuneta

- Ibinahagi ni KC Concepcion ang kanyang naging sorpresa sa kaarawan ng inang si Sharon Cuneta

- Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan si Sharon sa Amanpulo sa Palawan kasama ang kanyang pamilya

- Lingid sa kaalaman ni Sharon ay sumunod si KC sa Amanpulo kasama ang kaibigang si Tim Yap

- Sinorpresa ni KC ang ina at dinalhan ng paborito nitong cake, lengua at gumawa din siya ng sulat kalakip ng cake na kanyang dinala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni KC Concepcion kung paano niya pinaghandaan ang surpresa para sa inang si Sharon Cuneta na nagdiwang kamakailan ng kanyang kaarawan sa Amanpulo, Palawan.

Ayon kay KC, hindi alam ng kanyang ina na pupunta siya sa Amanpulo at hindi niya pinaalam iyon maging sa kanyang kapatid at sa Daddy Kiko niya.

KC Concepcion, pinasilip ang pa-surprise nila sa inang si Sharon Cuneta

KC Concepcion (Photo from Flickr)
Source: UGC

Hindi kinalimutan ni KC na dalhan ang paborito ng ina na cake at lengua.

Pamilyang Padilla, inalala ang buhay ng namayapang si Royette Padilla

Habang gumagawa ng sulat ang aktres, ibinahagi niyang dati ay mahilig talaga silang magsulatan mag-ina ngunit natigil lamang ito at ngayon na lang uli sila nagsulatan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang nag-iisa at nagpapahinga sa kanyang casita ay pinuntahan nina KC at Tim si Sharon para sorpresahin ito.

Hindi naman maitago ng Megastar ang kanyang galak sa pagpunta ng kanyang panganay at makompleto ang kanilang pamilya.

Gayunpaman, hindi gaanong nagtagal si KC at umuwi din siya kasama si Tim.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Ex-‘PBB’ housemate Kaori Oinuma, ibinahagi ang kanilang simpleng tahanan sa Japan

Kamakailan ay inalmahan ni Sharon ang komento ng netizen na laki sa lola umano ang anak na si KC. Minsan niya nang naibahagi kung paano niya pinagsikapang itaguyod at palakihin si KC mag-isa kasunod ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel