Ex-‘PBB’ housemate Kaori Oinuma, ibinahagi ang kanilang simpleng tahanan sa Japan

Ex-‘PBB’ housemate Kaori Oinuma, ibinahagi ang kanilang simpleng tahanan sa Japan

- Ibinahagi ng ex-PBB Season 8 teen housemate na si Kaori Oinuma ang isang house tour ng apartment nila sa Japan

- Ayon kay Kaori, mas pinili nila ng kanyang ina na tumira sa hindi kalakihang apartment para mas makamura

- Ibinahagi niya ang ilan sa mga kwento noong siya ay mas bata pa habang ipinapakita ang ilang bagay na kaugnay sa kanyang karanasan

- Umabot sa mahigit 1 milyon ang view ng nasabing video matapos lamang ang isang linggo simula nang ibahagi niya ito sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa house tour vlog na ibinahagi ng ex-PBB Season 8 teen housemate na si Kaori Oinuma sa kanyang YouTube channel.

Paglilinaw ng dalaga, dalawa lang sila ng kanyang ina kaya mas pinili nila ang maliit na apartment para na rin makatipid at ipandagdag na lang sa padala sa kanyang mga kapatid ang matitipid nilang pera.

Read also

Xia Vigor, walang kaarte-arteng tumulong sa pagtatanim kahit maputik

Kabilang sa naibahagi ni Kaori ay ang mga gamit niya noong nag-aaral pa lang siya doon kagaya ng kanyang baunan ng tubig at ang kanyang bento box.

Ex-‘PBB’ housemate Kaori Oinuma, ibinahagi ang kanilang simpleng tahanan sa Japan
Photo from Kaori Oinuma (@kaori_oinuma)
Source: Instagram

Mahilig din umano siyang mangolekta ng mga sulat na kanyang natatanggap. Sa katunayan, isang kahon ang kanyang pinakita kung saan nakalagay ang kanyang mga sulat mula sa mga kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinakita niya rin sa unang bahagi ng kanyang vlog ang lugar kung saan sila madalas mamalagi noon kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi umano siya noon masyadong nakakagala at nakakapunta sa malayo dahil ayaw ng kanyang ina.

Samantala, kinabiliban ng maraming viewers ang pinakita ni Kaori na pagiging simple sa kabila ng kanyang pagsikat. Kahit artista na ito ay hindi umano nagbago si Kaori simula nung makilala siya ng tao sa loob ng PBB house hanggang sa paglabas nila.

Read also

Vice Ganda, ipinakita ang kanyang mga ginagawa sa isang buong araw

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kaori ay tumayong ate sa kanyang kasabayan sa Batch 1 ng PBB Otso. Nakilala bilang The Kawaii Daughter of Japan, nasaksihan ng publiko ang kanyang pagiging mahinhin ngunit palaban sa mga task na pinagawa sa kanila.

Samantala, naibahagi noon ni Kaori na nagtrabaho siya bilang caregiver sa Japan noong siya ay 16 taong gulang pa lamang. Naging emosyonal ito nang ibahaging hindi na siya maalala ng kanyang lolo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel