Xia Vigor, walang kaarte-arteng tumulong sa pagtatanim kahit maputik

Xia Vigor, walang kaarte-arteng tumulong sa pagtatanim kahit maputik

- Marami ang naaliw at bumilib sa batang si Xia Vigor dahil sa pinapakita nito pagiging halimbawa sa kapwa niya kabataan

- Sa kanyang Instagram ay palagi niyang ibinabahagi ang ilang mahahalagang aral kabilang na ang pangangalaga sa kalikasan

- Sa kabila ng kanyang kasikatan ay walang kaarte-arteng nagtanim si Xia ng bawang at sibuyas

- Hindi niya inalintana ang putik, huwag niya lang mapalampas ang pagkakataon na matutong magtanim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay nanatiling isa sa pinakahinahangaan sa kanyang pagiging magandang halimbawa sa mga kapwa kabataan ang batang aktres na si Xia Vigor.

Bukod kasi sa kanyang husay sa pagperform at pag-arte ay palagi niyang ibinabahagi ang ilang mga mahahalagang aral kagaya ng pangangalaga sa kalikasan.

Xia Vigor, walang kaarte-arteng tumulong sa pagtatanim kahit maputik

Xia Vigor (@xiabernardo)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Xia na sa kabila ng pandemya ay nagagamit niya ang kanyang libreng oras sa makabuluhang mga bagay.

Pamilyang Padilla, inalala ang buhay ng namayapang si Royette Padilla

Hindi niya alintana ang putik at init ng araw, matuto lamang siya ng pagtatanim ng bawang at sibuyas.

Makikita sa ibinahagi niyang maiksing video kung paano niya tinutukan ang pagtulong sa pagtatanim.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang video na kanyang ibinahagi, binisita ni Xia ang tinatatawag na Irayan Tribe kung saan sinubukan niya ang mga paraan ng mga katutubo kung paano magagawang bigas ang palay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Xiamara Sophia Vigor o mas kilala sa kanyang screen name na "Xia" ay isang British-Filipino na child actress. Tinanghal siya bilang grand final ng Mini Me 2 bilang mini Selena Gomez sa It's Showtime. Lalo siyang nakilala sa iba't-ibang panig ng mundo nang mag-viral ang kanyang performance sa Your Face Sounds Familiar kung saan ginaya niya si Taylor Swift.

Donita Nose, umalma sa pambabatikos matapos niyang ipakita ang bagong bahay

Kasunod nito ay naging bahagi rin siya ng iba't-ibang serye sa Kapamilya network at isa sa kanyang pinagbidahang pelikula ay ang remake ng Korean Movie na Miracle in Cell No. 7.

Kamakailan ay ibinahagi ni Xia ang pagkakaroon nila ng bagong bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel