Donita Nose, umalma sa pambabatikos matapos niyang ipakita ang bagong bahay

Donita Nose, umalma sa pambabatikos matapos niyang ipakita ang bagong bahay

- Hindi pinalampas ni Donita Nose ang panghuhusga ng ilang mga netizens sa kanya kasunod ng pagbabahagi niya ng kanyang bagong bahay

- Kinuwestiyon ng ilang netizens kung paano siya nakabili ng bagong bahay gayong humingi pa siya ng tulong para sa kanyang bayarin sa hospital nang magka-Covid sya

- Paliwanag ni Donita, kinuha niya ang bahay noong bago pa mag-pandemic at natigil siya sa paghulog dahil nga naapektuhan ng pandemya ang pagtatrabaho niya

- Natuloy lamang siya sa paghuhulog sa nasabing bahay nang lumago ang YouTube channel nila ni Super Tekla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Donita Nose kung paano niya nakamit ang pinangarap na bahay para sa kanyang pamilya kasunod ng panghuhusga at pambabatikos ng ilang netizens sa kanya.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Donita na taong 2019 pa niya sinimulan ang paghuhulog sa bahay. Gayunpaman, dahil nagkaroon ng pandemya at maraming trabaho ang apektado kabilang na ang trabaho niya, nahinto siya sa paghuhulog.

Xia Vigor, walang kaarte-arteng tumulong sa pagtatanim kahit maputik
Photo from Donita Nose (@donitanose)

Photo from Donita Nose (@donitanose)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Donita ang ilang komento ng netizens kung saan hinuhusgahan siyang ginamit lamang ang pagkakaroon niya ng COVID para magkapera.

Matatandaang may ilang mga kilalang personalidad ang tumulong sa kanya sa kanyang hospital bills nang tamaan siya ng COVID.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag pa ni Donita, matapos mabigyan ng panibagong oportunidad sa YouTube dahil sa paglago ng Channel nila ni Super Tekla, saka lamang niya naituloy ang kanyang paghulog sa nasabing bahay.

Nilinaw din niyang hindi pa siya tapos sa paghuhulog at hindi pa niya malilipatan kaagad dahil wala pang mga gamit. Pagsisikapan pa muna uli niyang maipundar ang mga kakailanganing gamit sa bagong bahay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na Donekla.

Ex-‘PBB’ housemate Kaori Oinuma, ibinahagi ang kanilang simpleng tahanan sa Japan

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel