Super Tekla, pinabinyagan na ang anak nila ni Michelle na si Baby Angelo

Super Tekla, pinabinyagan na ang anak nila ni Michelle na si Baby Angelo

- Pinabinyagan na ni Super Tekla ang anak nila ng dating kinakasamang si Michelle Banaag

- Ilan sa malalapit na kaibigan sa showbiz ng komedyante ang tumayong mga ninong at ninang

- Naroroon din ang malapit na kaibigan ni Tekla na si Donita Nose na binansagang Pambansang Beshie dahil sa suportang ibinigay niya sa kaibigan

- Maging ang panganay na anak ni Tekla na si Aira ay naroroon at kitang-kita ang pagmamahal nito para sa kapatid na si Baby Angelo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napabinyagan na si Super Tekla ang bunsong anak na si Baby Angelo. Sa isang video na ibinahagi nila sa YouTube Channel na Donekla in Tandem, makikita ang naganap na binyag na dinaluhan ng ilang mga kaibigan nila ni Donita na tumayo bilang mga ninong at ninang.

Ilan sa mga ninang at ninong ni Baby Angelo ay ang Megastar na si Sharon Cuneta, Ariela Arida, Lovely Abella, Ethel Booba, Ang Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC, Betong Sumaya at Nelson Canlas.

Top 6 Pinoy TikTok stars ng 2020
Super Tekla, pinabinyagan na ang anak nila ni Michelle na si Baby Angelo

Super Tekla (SuperTeklah Librada)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama din sa binyag ang panganay ni Tekla na si Aira na anak ni Tekla sa una niyang karelasyon bago pa si Michelle Banaag na ina naman ni Baby Angelo.

Marami ang natuwa para kay Tekla sa kabila ng kanyang pinagdaanan nang mabunyag at madawit sa eskandalo nang ireklamo siya ng dating ka live-in partner.

So happy to know na sa Manila na titira si Aira kasama daddy nya. Going straight na talaga si Tekla lalo na ngayon makakasama na nya ang only Princess nya. Aira is so amazingly beautiful.
I was smiling and was teary eyed while watching this. Wish you good health baby Angelo. You're lucky to have a very responsible dad.
Sana kay tekla na tumira si baby angelo tingen ko mas maaalagaan ni tekla si baby at mabibigay ang mga needs especially nandyan rin si Donita para gumabay kina tekla. Btw, Welcome to the Christian World and Happy Baptismal. Merry Christmas everyone! Keep safe!
Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Upang mapatunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon, handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel