Boyfriend ni PBB housemate Karina Bautista, may mensahe kay Aljon Mendoza

Boyfriend ni PBB housemate Karina Bautista, may mensahe kay Aljon Mendoza

- Naging usap-usapan ang pag-iyak ni Karina Bautista at pagiging malapit nito sa kapwa PBB housemate na si Aljun Mendoza

- Sa mga latest episodes ng Pinoy Big Brother Otso ay kapansin-pansin ang pagiging malapit nila sa isa't-isa

- Dahil dito ay na bash si Karina sa social media dahil may boyfriend na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naging maganda ang reaksiyon ng karamihan sa mga netizens at viewers sa tila namumuong pagtitinginan nina PBB housemate Karina Bautista at Aljon Mendoza.

Marami ang nag bash kay Karina dahil sa reaksiyon nito kahit may boyfriend itong todo suporta sa kanya. Sa katunayan, may mga post pa sa Facebook na nagpapakita ng kuha mula sa live audience ng isang lalaking may hawak ng litrato ng dalaga at tila naluluha pa.

Iyon daw ang boyfriend ni Karina na si Christian Dronio. Matapos maipalabas ang episode ng Pinoy Big Brother Otso kung saan tila nagkaaminan ng feelings at naiyak si Karina dahil sa posibleng paglabas ni Aljon, naging negatibo ang reaksiyon ng karamihan.

Dahil dito ay nag deactivate diumano si Christian ng kanyang social media account na sinamantala naman ng ilang netizen na gumawa ng poser account.

Isang panibagong account na gamit ang pangalang Christian Gamido Dronio ang nagpost upang maipaliwanag ang diumano'y pagdeactivate ng kanyang official account.

Guys! A lot of judgements and speculations are spreading throughout the internet. It really hurts to see your love being judged by people who doesn't know her real story. Naaawa lang ako sa kanya kasi di niya deserved lahat ng to.

Ayon pa sa kanya ayaw niyang maging rason kung bakit marami ang mamumuhi sa dalaga.

I'm sorry guys if I had to take down my official account kasi as much as possible, I don't wanna be involved here. Yes I'm Karina's boyfriend but I don't wanna be the reason kung bakit kagagalitan niyo siya. Please po. Stop bashing her.

Hindi din niya pinalampas ang mga poser accounts.

Another thing is the POSER ACCOUNTS. One of the reasons why i deactivated my account is because of privacy matter. I'm using that account to my private life. Ayoko po ng gulo. So stop making fake accounts na ginagamit niyo pa pangalan ko. Pakiusap lang po. I want a private life.

Dagdag pa niya mataas ang respeto niya kay Aljon dahil sa pinakita nitong pagrespeto sa kung ano ang meron sila ni Karina.

And about Karina, I am so grateful watching her na she considered me in confessing her feelings. I felt so loved kasi kahit ganun nangyari, she acknowledged me as her boyfriend. I have a great respect to Aljon po. Kahit di kami magkakilala personally, I really respect him for how he respect Karina and I. Actually Im a fan of #KarJon.

Nakiusap din siya na tigilan na ang isyu.

Guys. Please stop this issue. Andaming naaapektuhan. Please. Maawa na kayo.Salamat po. And to all of the supporters of Karina, Salamat po..
Boyfriend ni PBB housemate Karina Bautista, may mensahe kay Aljon Mendoza

Boyfriend ni PBB housemate Karina Bautista, may mensahe kay Aljon Mendoza
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matapos ang ilang oras ay na deactivate na rin ang nasabing Facebook account.

Si Karina Bautista ay isa sa mga babaeng housemate na nakapasok sa Pinoy Big Brother dahil sa text votes mula sa manonood. Isa siyang Grade 12 student ng University of La Salette sa Santiago City.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel