Babae na-scam ng P7k nang bumili ng second-hand laptop online

Babae na-scam ng P7k nang bumili ng second-hand laptop online

- Na-scam ang isang babae na bibili sana ng second-hand laptop sa isang online seller

- Natangay sa kanya ang pitong libong piso ng suspek na tinawag sa pangalang Cecilia

- Nagpadala pa raw ito ng video na nagpapakita na iniaabot ang laptop unit sa isang Lalamove rider

- Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng DTI at NBI ang nasabing pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babae na pangarap makapag-simula ng isang online business ngayong pandemic ang na-scam ng isang online seller nang bumili siya ng isang second-hand na laptop.

Babae na-scam ng P7k nang bumili ng second-hand laptop sa online
Mike Enriquez
Source: UGC

Ang biktima ay kinilalang si Joyce Chua at ang pangyayari ay naganap daw nitong nagdaang Disyembre, at natangayan siya ng pitong libong piso.

Ayon sa ulat ni Mike Enriquez sa “24 Oras”, dapat raw ay magkikita sina Joyce at ang online seller na si alyas Cecilia para masigurong lehitimo ang kanilang transaksyon.

Read also

Lalaki sa viral post noong 2020, hanap pa rin ang babae sa jeep na nakatulog sa balikat niya

Ngunit nagpalusot daw si Cecilia at sinabi kay Joyce na hindi siya makakasipot sa kanilang usapan dahil nagbabantay siya sa kanyang tatay na na-ospital. Nagpadala pa nga raw ito ng mga larawan ng sinasabing ama na nakaratay sa ospital.

Pagkatapos ay nakiusap daw ang suspek kay Joyce na ipadala na ang pera dahil nga kailangan nila ito sa mga gastusin sa ospital.

“Nakiusap po sa akin ‘yung ka-transact ko po na ipadala ko na daw posa Gcash ‘yung pera kasi nga daw po need daw po niya ng pera para daw po sa tatay niya,” sabi ni Joyce.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tiniyak din daw sa kanya ni Cecilia na ipapadala na niya ang laptop na kanyang binibili. Pinadalhan pa nga raw siya na video na nagpapakita na ibinibigay ang item sa isang Lalamove driver.

Read also

Misis ng napagkamalang magnanakaw at nabaril umano ng pulis, idinetalye ang pangyayari

Ang Lalamove ay isang delivery app at mayroon itong mga partner drivers na siyang nagdadala ng mga parcel sa mga tatanggap nito. Tumawag pa nga raw sa kanya ang driver ngunit hindi niya natanong ang pangalan nito.

Sa kasamaang palad ay walang laptop na dumating at hindi na rin ma-contact ni Joyce ang seller pati ang Lalamove driver.

Nakipag-ugnayan ang “Sumbungan ng Bayan” sa Lalamove Philippines at dito ay napag-alaman na walang transaksyon na naganap sa gitna ng kanilang kompanya at ng suspek. Hindi rin nila mahanap ang driver na sinasabi ni Joyce.

Sa ngayon ay tinututukan na ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Bureau of Investigation — Anti-Cybercrime Group (NBI-ACG) ang nasabing pangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mike Enriquez ay isang beteranong news anchor sa GMA-7. Siya rin ang station manager ng Super Radyo DZBB 594 AM.

Read also

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

Isa namang matandang lalaki na delivery driver ang nagsumbong kay Raffy Tulfo dahil sa muntik na siyang saktan ng kanyang customer. Sa huli ay napagdesisyunan ng dalawa na mag-ayos sa barangay.

Mayroon namang isang Lazada rider na nag-viral nang i-post niya ang kanyang hinaing sa kanyang customer na nakaalitan niya. Pinaalalahanan niya ang publiko na huwag maliitin ang mga delivery rider.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)