Lazada rider, binigyan ng leksyon ang customer na minaliit siya
- Hindi na napigilan ng isang delivery rider ng Lazada ang sagutin ang isang customer na minaliit daw ang kanyang trabaho
- Sa isang Facebook post na may libo-libo nang shares, ibinahagi ng rider ang naging karanasan niya sa customer
- Inilahad din nito ang naging conversation nila ng nasabing customer
- Hinikayat naman nito ang netizens na huwag maliitin at irespeto ang lahat ng trabaho, maliit man ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi na nga napigilan ng isang delivery rider na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa isang customer na nangmaliit daw sa kanyang trabaho.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ian Kenneth Paguio Crisostomo ang naging karanasan niya sa nasabing customer.
Kwento ni Crisostomo, matiyaga niyang hinintay ang babaeng customer sa opisina nito para maibigay ang inorder nito online.
At kahit pa nga hindi naging maayos ang pagsagot nito ay magalang pa rin niya itong kinausap at hinintay.
Ngunit hindi na pinalagpas ni Crisostomo nang maliitin na nito ang kanyang trabaho bilang isang delivery rider.
Dito na napag-alamang dati pala itong manager sa Filipino fast food chain na Jollibee.
"Hirap talaga pag di nakatapos no pag dedeliver nalang mapapasukan mo trabaho," sabi ng customer batay sa post ni Crisostomo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Binara kona si Madam, Ma'am excuse me po, nakapag tapos po ako ng College, 4 years po maam ah. at bago po ako pumasok bilang delivery (courier Lazada Express) eh nag trabaho po ako as a MANAGER sa isang medyo sikat na Fast Food(#.1 sa pinas), sabay smile. (ngiting JOLLIBEE)," sagot naman nito.
"2 years po ako nag work as manager sa Jollibee, ibat ibang tao po nakasalamuha ko, pero kahit manager ako, tinrato ko po ng maayos lahat ng katrabaho ko, magmula sa mga security, service crew, taga linis ng C.R., lahat po sila iginagalang ko at nirerespeto ang trabaho nila.
"Ngunit nag resign po ako at pinasukan ko po ang business na to, (courier) dont worry Maam di po ako baliw hehe, pinagisipan ko po ito ng maigi bago ako nag desisyon. at masasabi ko po wala akong pinag sisihan," dagdag pa niya.
"Sayang naman kuya ang ganda ng sahod mo dati manager kana pala? ngaun Delivery boy ka nalang?" sabi raw ni customer.
Ganunpaman, kalmado pa ring kinausap ni Crisostomo ang babae at sinabing hindi dapat na maliitin ang pagiging delivery rider.
Sinabi rin nito ang hirap at mga sakripisyo ng mga katulad niyang nagdedeliver ng mga inorder online.
Hinikayat din nito ang mga netizens na respetuhin ang kahit anong hanapbuhay kahit na ito ay maliit lamang.
Sa kasalukuyan ay libo-libo na ang shares ng post ni Crisostomo sa Facebook at umani rin ng sari-saring opinyon mula sa mga Pinoy netizens.
Narito ang kabuuan ng post nito:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isa pang report ng KAMI, isang customer naman ang inireklamo ng isang matandang delivery rider sa programa ni Rafy Tulfo matapos mag-viral ang video nilang dalawa kung saan minura at binantaan siya nito.
Sa paghaharap ng dalawa ay napahagulgol na lamang ang customer at nagmakaawa sa rider.
Samantala, isang delivery rider ang nag-viral din na naiyak na lang nang mabiktima ng fake order.
Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!
Source: KAMI.com.gh