Simot si kuya! Delivery rider, naiyak na lang dahil sa fake order
- Hindi na nga napigil ng isang lalaking delivery rider ang maiyak matapos siyang ma-scam ng isang nagpanggap na customer
- Sa kanyang Facebook post, ipinakita pa nito ang conversation nila ng scammer at ang resibo ng kanyang binayaran
- Labis ang kanyang sama ng loob lalo pa at iyon na lamang daw ang kanyang natitirang pera
- Marami namang netizens ang naantig ang damdamin sa sinapit ng rider at mayroon pa nga ang nagbigay ng tulong para rito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Labis-labis ang sama ng loob ng isang lalaking delivery rider matapos siyang maloko ng isang nagpanggap na customer.
Sa Facebook post ni Jhay De Guzman Torres, hindi na nga nito napigil pa ang maiyak habang ikinukwento ang kanyang sinapit.
Anito, iyon na lamang daw ang kanyang natitirang pera at ginamit ito para sana kumita sa araw na iyon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ipinakita rin nito ang resibo ng kanyang binayaran para sa order ng scammer na nagkakahalaga ng P2,600.00.
Marami namang netizens ang naantig ang damdamin sa sinapit ng rider at mayroon pa nga ang nagbigay ng tulong para rito.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang libo-libong shares ang post ni Torres sa Facebook.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang nangyari kay Torres ay hindi na bago dahil sa sunod-sunod na report tungkol sa mga na-scam na delivery rider.
Kamakailan lang, umabot sa 16 na rider ang nabiktima ng fake orders sa Maynila. Ayon sa nakatira sa iisang address na nagamit sa fake order, sunod-sunod na dumating ang mga riders bandang alas tres ng hapon.
Batay sa ulat, umabot sa P1,700 hanggang P1,900 ang inorder ng scammer kada rider.
Bukod dito, higit 10 iba pa ang nabiktima rin ng scam na ito sa Las Piñas City.
Nangyari ang mga ito sa gitna ng dinaranas na pandemya sa bansa dahil sa COVID-19.
Isa ang food delivery service sa mga pumatok na negosyo o serbisyo ngunit tila hindi na rin ito pinalagpas ng mga kawatan.
Maraming Pinoy ang nanawagan na agad na maaksyunan ang modus na ito dahil na rin sa awa sa mga nalokong riders na nakikipagbuno sa virus kumita lang ngayong marami sa atin ay apektado ng krisis.
Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!
Source: KAMI.com.gh