Kawawa naman! Higit 10 na food deliver rider, nabiktima ng fake order ng customer

Kawawa naman! Higit 10 na food deliver rider, nabiktima ng fake order ng customer

- Hindi bababa sa 10 na food delivery rider ang nabiktima ng isang customer sa Las Piñas City

- Ayon sa witness, iba-ibang number ang binigay ng customer sa mga rider pero iisang address lang ang sinabi niya

- Nagkumpulan tuloy ang mga rider sa binigay na address nang malamang walang “AJ Pande” na nakatira sa bahay na iyon

- Maging ang mga netizens ay hindi natuwa sa ginawa ng customer sa mga kawawang food delivery rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Higit na 10 na mga food delivery rider ang na-scam ng iisang customer sa Las Piñas City.

Nalaman ng KAMI na nagkumpulan ang mga delivery rider sa address na binigay ng customer sa Pilar Village.

Kawawa naman! Higit 10 na food deliver rider, nabiktima ng fake order ng customer

Photo from Facebook page of GMA Public Affairs
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng GMA Public Affairs, ang pangalan ng customer ay “AJ Pande.” Sabi ng witness na si Natalie dela Cruz ay iba-ibang contact number ang binigay ng customer sa mga rider pero iisang address lang ang binigay nito.

"Nakwento sa 'kin ng mga rider na pinick up po nila sa seller 'yung order ni AJ Pande. Paiba-iba 'yung contact number na binigay ni AJ pero same address,”

Base sa ulat ng 24 Oras, sabi rin ng ilang rider ay walang “AJ Pande” na nakatira sa binigay na address sa kanila at senior citizen ang lumalabas sa bahay.

"Wala daw pong AJ Pande na nakatira. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon," sabi ni Natalie.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News (isinulat ni Henry Atuelan), nauna nang sinabi ng GrabFood PH na ang mga customer na hindi kukunin ang order nila ay maaaring humarap sa ilang parusa.

Tila maraming mga netizens nga ang hindi natuwa sa ginawa ng customer sa mga delivery rider. Narito ang mga komento sa Facebook page ng GMA Public Affairs:

“Mga salot pati Yung MGA taong nag ttrabaho Ng maayos winawalang hiya.dapat mahuli Yan kawawa Naman Ang mga rider.”
“Di na naawa sa mga delivery riders! ‘Pag nagttrabaho ng marangal, ganyan pinaggagagawa nyo! Kaya maraming kumakapit sa patalim dahil sa mga katulad niyo eh”
“Kawawa naman sila. Nag tatrabaho sila ng maayos tapos lolokohin lang ng iba. Bakit may mga ganun tao. Ay hindi pala tao yung gumagawa nun.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong hindi pa pwedeng lumabas ng bahay ang mga tao, naging tampok naman ang mga online delivery ngayon.

Kamakailan lang, isang delivery rider sa Bacolod City ang nagbahagi ng kanyang karanasan matapos niyang mabiktima ng fake order na umabot sa P1,036.

Samantala, isang netizen naman ang nagkwento ng karanasan niya matapos mabiktima naman ng fake delivery sa bahay nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel