Ikakasal na guro nagawa pang mag-reply sa text ng kanyang estudyante, viral

Ikakasal na guro nagawa pang mag-reply sa text ng kanyang estudyante, viral

- Viral ang post ng isang guro na ikakasal ngunit nakuha pa rin na magreply sa text ng kanyang estudyante

- May hinahanap umanong papel sa kanyang module ang estudyante sa guro niya na ikakasal pala nang araw na iyon

- Nagpadala pa ng larawan ang guro na naka-wedding gown upang ipakita sa kanyang mag-aaral na ikakasal nga siya

- Umabot sa 19,000 ang mga positibong reaksyon ng naturang post mayroon na rin itong 6.2k shares

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang post ng guro na si Irish Jeanne na nakuha pang mag-reply sa kanyang estudyante bago ang seremonya ng kanyang kasal.

Nalaman ng KAMI na nagtanong umano ang estudyante ni Teacher Irish tungkol sa papel nito na naisama at module.

Sumagot naman ang guro ng "Wait lang Larah, ikakasal lang si ma'am, replyan kita later."

Read also

Sharon Dacera, sinabing may pagkukulang umano ang mga kasama ni Christine

Reply ng gurong ikakasal sa estudyante niyang naghahanap ng module, viral
Photo from Irish Jeanne
Source: Facebook

At para lalong maging kumbinsido ang sagot ni Teacher Irish, sinamahan pa niya ito ng kanyang larawan na nakasuot ng wedding gown.

Enero 8 nang ginanap ang kasal ni Teacher Irish. Sa sumunod na araw nito naibahagi niya ang chat sa kanya ng estudyante. Umabot na sa 19,000 ang reactions ng naturang post, habang naibahagi naman ito ng nasa 6,200 na beses.

Aliw na aliw ang mga netizens at humanga rin sa guro na nagawang magpaliwanag sa estudyante kung bakit hindi niya agad masasagot ang tanong nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Congrats ma'am! in fairness naipaliwanag niyo pa po sa estudyante niyo bakit hindi niya mahahanap papel niya"

"Ang cool ni teacher, kalma lang sa pagsagot ng chat kahit ikakasal na"

"Buti nagpicture ka po ma'am para talagang maniwala ang student mo, Congrats po!"

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, kinumpirmang single na siya

"Ang cute ng convo nila. nakakabilib talaga ang mga teachers lalo na ngayong panahon ng pandemic"

"Bongga si ma'am nakareply pa talaga, yan ang ulirang guro. saludo po kami sayo!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dalawang buwan na ang nakalipas nang isa ring guro na ikakasal na ang nagawa pa ring magreply sa kanyang estudyanteng may itinatanong na kung ano ang kanilang sasagutan.

Samantala, isa ring guro ang hinangaan dahil sa pagtawid umano nito ng ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanyang mga estudyante.

Ilan lamang ito sa mga kwento ng guro na patuloy ang serbisyo at buong pusong tinanggap ang hamon ng new normal sa edukasyon, makapagbigay kaalaman pa rin sa mga mag-aaral sa kabila ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel