Sharon Dacera, sinabing may pagkukulang umano ang mga kasama ni Christine

Sharon Dacera, sinabing may pagkukulang umano ang mga kasama ni Christine

- Nagpaunlak ng panayam ang ina ni Christine Dacera na si Sharon Dacera sa ABS-CBN

- Naniniwala pa rin umano ng ina ng flight attendant na may krimen na nangyari sa pagkamatay ng kanyang anak

- Tahasan din niyang sinagot na may pagkukulang umano ang mga kasama ni Christine bilang mga kaibigan nito

- Sana raw, nang nagsabi na si Christine na may ibang nararamdaman dahil sa duda nitong may nailagay sa kanyang inumin ay dinala ito sa clinic ng mga kasama niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang araw matapos na maihatid sa huling hantungan ang flight attendant na si Christine Dacera ay nagpaunlak na muli ng panayam ang kanyang ina na si Sharon Dacera.

Nalaman ng KAMI na naniniwala pa rin umano ang ina ni Christine na may krimen na naganap sa pagkamatay ng kanyang 23-anyos na anak.

Flight attendant na si Christine Dacera, naihatid na sa huling hantungan

Ayon sa panayam ni Karen Davila ng ANC 24/7 kay Sharon, tahasan nitong sinagot na may pagkukulang pa rin umano ang mga kaibigan ng kanyang anak sa sinapit nito.

Sharon Dacera, sinabing may 'pagkukulang' ang mga kaibigan ni Christine bilang kaibigan

Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

“Mayroon ma’am," ang sagot ni Sharon nang tanungin siya ni Karen kung may 'lapses' ang mga kaibigan partikular na si Romel Galido na siyang sinabihan umano ni Christine ng duda nito na tila mayroon nailagay sa kanyang inumin dahilan upang biglaang sumakit ang ulo niya.

“Sana noong nalaman niya na nagkasakit sakit iyong ulo ng anak ko, mayroong clinic naman yung hotel para magpatawag sa information desk para magpatulong. Usually may ganoon ‘di ba? Bakit ‘di niya ‘yun ginawa?” paliwanag ng ina ni Christine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang araw bago ang libing ni Christine ay dumating sa General Santos City ang forensic team ng NBI upang kumuha ng tissue samples para sa isinasagawa nilang ikalawang autopsy sa pumanaw na flight attendant.

Mga tao sa Room 2207 kaugnay sa Christine Dacera case, natukoy na ng NBI

Enero 11 nang sabihin mismo ni Deputy Director Ferdinand Lavin ng NBI na mayroon silang nakitang very encouraging evidence sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

Inaasahang lalabas ang resulta nito ngayong linggo.

Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang cabin crew ng Philippine Airlines na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Grand Hotel kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon ng kanyang mga kaibigan.

Naaresto ang tatlo niyang kasama na itinuring na suspek sa kanyang pagkamatay subalit pinakawalan din umano ito sa kakulangan ng ebidensya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel