NBI on Christine Dacera case: "Despite the odds, may mga encouraging evidence kami"

NBI on Christine Dacera case: "Despite the odds, may mga encouraging evidence kami"

- Nagbigay na ng pahayag ang NBI tungkol sa pagsasagawa nila ng autopsy sa yumaong flight attendant na si Christine Dacera

- Mayroon umano silang nakitang 'encouraging evidence' na malaki ang maitutulong sa paglutas ng kaso

- Sa kabila raw ng pagka-kontaminado ng ilang ebidensya, marami naman daw silang iba pang lead upang malaman ang nangyari kay Dacera bago ito binawian ng buhay

- Nabanggit din na malaki ang posibilidad na mayroong krimen na nangyari subalit kinakailangan pa ito ng kumpirmasyon base sa patuloy nilang imbestigasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak ng pahayag si Deputy Director Ferdinand Lavin ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Enero 11 kaugnay sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Nalaman ng KAMI na nakakita umano ang NBI ng 'encouraging evidence' na malaki ang maitutulong sa pagresolba sa kaso ni Dacera.

Read also

Mga tao sa Room 2207 kaugnay sa Christine Dacera case, natukoy na ng NBI

NBI sa Christine Dacera case: "Despite the odds, may mga encouraging evidence kami"
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

“We have very interesting, encouraging results,” base sa mga nakuhang tissue samples kay Dacera ng forensic team ng NBI isang araw bago ito inilibing noong Enero 10.

“I would say, around 80 percent, makakatulong ito sa investigation," ani Lavin.

Aminado ang NBI na nagkakaroon sila ng ilang problema sa imbestigasyon subalit marami naman silang natutuklasan.

“Tiningnan namin lahat, against all odds. They said it has already deteriorated. There was rapid decay in some of the pieces of evidence. There was contamination considering the embalming procedures done on her which compromised the pieces of evidence. We acknowledge that. But despite the odds, may encouraging leads kami” dagdag pa ni Lavin.

Hindi pa nila masabi sa ngayon na solido na ang mga ebidensyang hawak nila dahil kinakailangan pa nila itong kumpirmahin.

“Again, this is subject to confirmatory, but I was just told that medyo maganda ang development."

Read also

Jonel Nuezca, naghain agad ng 'not guilty plea' sa unang hearing ng kanyang kaso

“May crime. Let’s leave it at that. May crime dito.”

Narito ang kabuuan ng kabuuan ng panayam ng News5 kay Deputy Director Ferdinand Lavin ng NBI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang kinumpirma ng NBI na hawak na umano nila ang mga pangalan ng tao sa room 2207, ang silid na pinupuntahan din ni Dacera ilang oras bago ito matagpuang wala nang buhay sa room 2209 ng City Garden Grand Hotel noong Enero 1 kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon kasama ng kanyang mga kaibigan.

Enero 10 nang ihatid na sa huling hantungan sa General Santos City ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Angelica Dacera. Hindi pa muling nagpapaunlak ng panayam ang ina nitong si Sharon na ang tanging hiling ay hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica