Jonel Nuezca, naghain agad ng 'not guilty plea' sa unang hearing ng kanyang kaso

Jonel Nuezca, naghain agad ng 'not guilty plea' sa unang hearing ng kanyang kaso

- 'Not guilty plea' agad ang inihain ni Jonel Nuezca sa unang hearing ng kanyang kaso sa umano'y pamamaslang sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio

- Hindi rin aktwal na nakasipot sa korte si Nuezca dahil kasalukuyan itong naka-quarantine

- Sa pamamagitan ng video call, nabasahan na ng kasong 2 counts of murder si Nuezca na kasalukuyang naka-quarantine

- Inaasahang makasisipot na ito sa susunod na hearing na gaganapin sa Pebrero 4

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naganap na ang preliminary conference at arraignment sa kaso ni Jonel Nuezca ang pulis na umano'y kumitil sa buhay ng mag-inang Sonia at Gregorio.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng update ang private lawyer na inirekomenda ni Raffy Tulfo sa pamilya Gregorio na si Atty. Freddie Villamor sa mga kaganapan sa unang hearing ng kaso laban kay Nuezca noong Enero 8.

Read also

Kiray Celis at boyfriend, kumasa sa "My boyfriend does my makeup" challenge

"Ngayong umaga kinonduct po ng court with presiding judge Asuncion, brach 57 ng RTC Paniqui, Tarlac ang arraignment at preliminary conference sa kaso," pagkumpirma ni Atty. Villamor.

Jonel Nuezca, naghain agad ng 'not guilty plea' sa unang hearing ng kanyang kaso
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nabasahan na rin umano si Nuezca ng kanyang kaso na two counts of murder. Isinagawa ito sa pamamagitan ng video call sapagkat hindi ito nakasipot mismo sa korte.

Kasalukuyan umanong naka-quarantine ang suspek na agad namang naghain ng 'not guilty plea'.

Wala ring sariling abogado si Nuezca kaya naman in-appoint ng korte ang Public Attorney's Office o PAO para tumayong abogado nito.

21 days ang itatagal ng quarantine ni Nuezca na kasalukuyang nasa BJMP Detention center.

Inaasahang namang makadadalo na ito ng susunod ng hearing nagaganapin sa Pebrero 4.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa nasabing araw, ipe-presenta na rin umano si Florentino Gregorio ang asawa ni Sonia at ama ni Frank bilang private complainant para sa mag-ina niya.

Read also

Close friend ni Dacera, nalulungkot sa nababasang negatibong komento sa kaibigan

Ang kampo rin ng biktima ang maghahain ng mga ebidensya sa susunod na hearing na kanila na ngayong paghahandaan.

Samantala, nakausap din ni Tulfo ang isa sa mga anak ni Sonia na si Mark Christian Gregorio. Nilinaw nito na buo na ang desisyon ng mga magulang at tagapag-alaga ng kumuha ng video na tumestigo ito sa korte.

Labis ding nagpasalamat si Mark sa mga tulong ni Tulfo simula pa noong burol hanggang sa ngayon na umuusad na ang kaso upang makamit nila ang hustisya para sa inang si Sonia at kapatid na si Frank.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Nangako talaga si Tulfo na tututok sa kaso laban kay Nuezca kaya naman ganoon na lamang ang mga tulong na ibinigay niya sa pamilya Gregorio.

Read also

Raffy Tulfo, nagbigay ng update sa kaso laban kay Jonel Nuezca

Bukod sa kaso ni Nuezca, isa rin ngayon sa kasong nais maaksyunan ni Tulfo ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica