Kiray Celis at boyfriend, kumasa sa "My boyfriend does my makeup" challenge

Kiray Celis at boyfriend, kumasa sa "My boyfriend does my makeup" challenge

- Pinasok na rin ni Kiray Celis ang paggawa ng content sa YouTube kagaya ng karamihan sa mga artista ngayon

- Para sa unang entry niya sa kanyang YouTube channel, kasama niya ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia

- Marami ang naaliw sa "My boyfriend does my makeup" challenge ng dalawa kung saan nilalagyan ng makeup si Kiray

- Kasabay nito ay sinagot din ng magkasintahan ang mga tanong mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa "My boyfriend does my makeup" challenge nina Kiray Celis at boyfriend nitong si Stephan Estopia na ibinahagi nila sa YouTube channel ng aktres.

Ito ang unang video ni Kiray sa kanyang YouTube channel. Habang ginagawa ni Stephan ang kanyang makeup ay sinasagot din ng dalawa ang mga tanong mula sa mga netizens.

Ilan sa mga naibahagi ng dalawa ay kung paano sila nagkamabutihan at naging magkasintahan.

Read also

Mga akusado sa Christine Dacera case, emosyonal sa interview sa kanila ni Boy Abunda

Magkakilala na umano sila noon pa ngunit nagkataon nagkasabay silang niloko ng kanilang karelasyon.

Kiray Celiz at boyfriend, kumasa sa "My boyfriend does my makeup" challenge
Picture from Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Facebook

Nakalaro nila ang isa't-isa sa mobile game na Mobile Legend at dito nagsimula ng kanilang pag-uusap na naging daan para sila ay maging magkarelasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinaliwanag din ni Kiray kung paanong "Mommy" at Daddy" ang kanilang term of endearment sa isa't-isa.

Ayon sa aktres, nabanggit ni Stephan noong hindi pa sila magkarelasyon na iyon ang nais niyang maging tawagan ng makakarelasyon niya dahil parang pang-habangbuhay na umano ito.

Sa tanong kung may balak pumasok si Stephan sa pag-aartista, mariing sinabi nito na wala siyang plano dahil okay na umano na si Kiray ang nasa showbiz.

Samantala, natawa na lamang si Kiray nang makita ang makeup na nilagay ng boyfriend.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng Goin' Bulilit at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mara Clara, Luv U at Growing up.

Kamakailan ay hindi pinalampas ni Kiray ang pamba-bash sa kanya dahil sa kanyang pananamit. Maging ang kanyang pagsusuot ng swimsuit ay hindi nakaligtas sa mapanghusgang bashers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel