Kiray Celis, bumwelta sa mga bashers na pumupuna sa kanyang pananamit

Kiray Celis, bumwelta sa mga bashers na pumupuna sa kanyang pananamit

- Hindi nagpatinag si Kiray Celis sa mga negatibong komento ng mga netizens sa kanya

- Ito ay kaugnay sa kanyang pananamit sa mga litratong kanyang ibinabahagi sa social media

- Ayon kay Kiray, suportado siya ng kanyang boyfriend sa kanyang mga desisyon

- Sa katunayan, ito pa umano ay ang kanyang "number one liker" sa kanyang mga post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang reaksiyon sa mga negatibong komento ng mga netizens sa kanyang mga ibinabahaging pictures sa social media, isang picture ang ibinahagi ni Kiray Celis.

“Dinidedicate ko ‘tong picture nato para sa lahat ng hindi ako finafollow pero updated sa mga post at pictures ko. At walang ginawa kundi magsalita ng masasama tungkol sayo. Oh ayan! Pwet para sayo,” aniya sa kanyang post.

Ibinahagi niya din ang reaksiyon ng kanyang nobyong si Stephan. Aniya bukod sa ito ang kanyang "number one liker," supportive umano ito sa kanyang mga desisyon.

“Daming curious kung di ba nagagalit jowa ko sa mga post? Ayan! Number one liker! Supportive ‘yan. Alam mo dapat limitasyon mo. Gang tingin lang sila,” dagdag pa ng aktres.

Binanggit din ni Kiray na kahit revealing ang kanyang mga pictures na ibinahagi, alam naman niya ang kanyang limitasyon. “’Yung iba nga diyan di nagpopost ng sexy pero ang dami palang kausap na iba habang may jowa! EME!”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa "Muntíng Miss U" ng MTB. Naging bahagi siya ng Goin' Bulilit at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mara Clara, Luv U at Growing up.

Matatandaang ibinahagi ni Kiray ang tungkol sa kanyang boyfriend noong 2019 at nagdiwang sila ng kanilang unang buwan bilang magkasintahan noong January.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang ibinigay na regalo ni Stephan kay Kiray sa kaarawan nito.

Gayundin, marami ang napa-"wow" sa mga surpresa ni Kiray para sa kanyang nobyo sa pagdiriwang ng kaarawan nito. Madamdamin din ang mensahe ng aktres para kay Stephan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel