Mga akusado sa Christine Dacera case, emosyonal sa interview sa kanila ni Boy Abunda
- Bumuhos ang emosyon sa interview na isinagawa ni Boy Abunda sa limang akusado sa Christine Dacera case
- Lahat umano sila'y pawang mga kaibigan ni Dacera at mariing itinatanggi na hindi nila magagawa ang alegasyon sa kanila
- Idinitalye nila ang buong pangyayari mula sa pagpa-plano ng party hanggang sa ang dalawa sa kanila'y na ditene pa sa Makati Police
- Nang humiling sa kanila si Boy Abunda sa kung ano ang maari nilang dasal sa oras na iyon, bumuhos na ang luha ng karamihan sa kanila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Humarap ang limang akusado ng Christine Dacera case sa The Boy Abunda Interview Specials.
Nalaman ng KAMI na bagaman at pinapayuhan na sila ng kanilang abogado na huwag nang masyadong humarap sa media, nagpaunlak pa rin sila ng interview kay Boy Abunda.
Ito ay sina JP Dela Serna, Valentine Rosales, Clark Rapinan, Rommel Galido at Gregorio de Guzman.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Umpisa pa lamang, diretsahang tinanong agad ni Abunda kung sino na nga ba ang pumatay kay Christine Dacera.
"Wala pong pumatay kay Christine, aksidente ang nangyari, mahal namin siya bilang kaibigan," ang agad ding sagot ni Dela Serna.
Ipinakuwento ni Abunda kung paano nagkakila-kilala ang mga ito hanggang sa araw na nagplano sila para sa party na ginanap bilang pagsalubong sa Bagong Taon.
Karamihan sa kanila'y hindi makakauwi sa kanilang pamilya kaya minabuting magsama-sama sa naturang party.
Sinabi nilang si Christine ang nag-book ng room 2209 dahil sa discount na ibinigay umano sa kanila ng manager ng hotel at kaibigan nilang si John Paul Halili.
Subalit pinabulaanan nilang si Christine ang nag-book ng room 2207 tulad ng nababalita.
Nilinaw din nilang hindi talaga nila kilala ang lahat ng nasa room 2207.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Tinanong din sila ni Abunda kung bakit pabalik-balik sila sa kabilang kwartong iyon. Karamihan ng sagot nila ay para umano sunduin si Christine na siyang punta ng punta sa kwarto na iyon.
Naikwento rin nila ang napakahirap na sitwasyon kung saan kailangan na nilang sabihin sa ina at pamilya ni Christine ang nangyari. Si Dela Serna ang naglakas loob na iparating sa ina ni Christine ang nakagugulat na balita.
Nabanggit din nila ang pagbawi nila sa pahayag tungkol sa droga na umano'y pinilit lamang silang sabihin ito sa publiko.
Ikinuwento rin nina Dela Serna at Galido ang naging karanasan nila nang sila'y ma-detain sa Makati police. Halos hindi sila makatulog dahil sa lugar na pinaglagakan sa kanila.
Sa huli, hindi na napigilan ng karamihan sa kanila na maging emosyonal lalo na nang tanungin sila ni Abunda kung ano ang magiging panalangin nila sa oras na iyon.
Halos lahat sila'y dalangin na maliwanagan umano ang ina ng kaibigan nilang Christine at tanggapin nalamang umano na 'natural death' ang ikinamatay ng anak.
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa The Boy Abunda Talk Channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sina John Pascual Dela Serna III, Valentine Rosales, Clark Rapinan, Rommel Galido at Gregorio Angelo Rafael de Guzman at lima sa 10 kasama ni Christine Dacera sa New Year's Party na ginanap nila City Garden Hotel sa Makati City.
Tanghali ng Enero 1 nang makita nilang wala nang buhay ang kanilang kaibigan na nagawa pa umano nilang dalhin ito sa Makati Medical Center kung saan idineklara na itong dead on arrival.
Gumulong na ang preliminary investigation sa kasong ito ni Dacera subalit kinakailangan pa umano nilang hintayin ang ilang pang mga resulta ng imbestigasyon tulad na lamang ng isinasagawa ng NBI.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh