Akusado sa Dacera case, binawi ang naunang salaysay na may "powder drúgs" sa party

Akusado sa Dacera case, binawi ang naunang salaysay na may "powder drúgs" sa party

- Binawi nina JP Dela Serna at Rommel Galido ang nauna na nilang nabanggit ukol sa pagkakaroon ng umano'y powder drúgs sa kanilang party

- Magkakasamang sumipot sina Dela Serna at Galido at apat pa nilang kasama sa preliminary hearing ng kaso ni Dacera

- Ayon sa abogado nina Dela Serna, na-pressure at na-torture ang mga akusado na sabihing may powder drúgs sa okasyon gayung ito ang pinasasabi sa kanila ng pulisya

- Nang tanungin kung sino mismo ang pulis na nagpasabi nito sa mga akusado, diretsong sinagot ng abogado na "Makati Police"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binawi ng dalawa sa nakasama ni Christine Dacera sa New Year's Eve party ang nauna nilang pahayag na may nagdala ng "powder drúgs" sa kanilang okasyon.

Nalaman ng KAMI na humarap na ang anim na akusado na sina John Pascual "JP" Dela Serna III, Valentine Rosales, Clark Rapinan, Rommel Galido, Gregorio de Guzman, at John Paul Halili sa Makati Prosecutor's office para sa preliminary investigation sa kaso ni Dacera.

Read also

Jonel Nuezca, naghain agad ng 'not guilty plea' sa unang hearing ng kanyang kaso

Dito nakapanayam ng Inquirer ang abogado nina Dela Serna na si Atty. Abigail Portugal na siyang nagsabing ang pulis ang siyang nagsabi kina Dela Serna na palabasing mayroong "powder drúgs" sa kanilang party.

Akusado sa Dacera case, binawi ang naunang salaysay na may "powder drúgs" sa party
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“The powder issue insinuating drúgs use actually came from the mouths of PNP Makati. It was added by them after subjecting the two detained to mental torture and misrepresentation, that they will be released from detention and no charges will be filed, if ever they will come up with fabricated, tampered afterthought, object and scientific medico-legal evidence,” pahayag ni Portugal.

Ang dalawang tinutukoy na umano'y na-pressure at naging biktima ng mental torture ay sina Galido at Dela Serna ayon sa ABS-CBN News.

Dagdag pa ng abogado, ang Makati Police ang sinabi ng mga akusado na nagtulak sa kanila para isingit ang pagkakaroon ng umano'y powder drúgs sa okasyon.

Read also

Kiray Celis at boyfriend, kumasa sa "My boyfriend does my makeup" challenge

Maaalalang sa unang salaysay ng akusado, isang kasama umano nila na pinangalanang si Mark Anthony Rosales ang kinakitaan nila ng umano'y party drúgs mula pa sa medyas nito ayon sa ulat ng GMA News.

Samantala, lumabas ding negatibo sa isinagawang drúg test ang mga sumipot na akusado.

Sa ngayon, wala pa umanong pahayag ang Philippine National Police kaugnay sa alegasyon at na-reset ang hearing gayung hinihintay pa ang mga medical findings at autopsy reports kaugnay sa kasong ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay sa bath tub ng City Garden Grand Hotel ang 23-anyos na si Christine Angelica Dacera.

Naaresto ang tatlong nakasama niyang magparty para salubungin ang Bagong Taon subalit napalaya rin ang mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Naihatid na sa huling hantungan si Dacera noong Enero 10 isang araw matapos na ganapin ang ikalawang autopsy sa kanya na isinagawa ng NBI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica