Makati Police, itinanggi ang alegasyong 'torture' at 'pressure' ng dalawang akusado sa Dacera case

Makati Police, itinanggi ang alegasyong 'torture' at 'pressure' ng dalawang akusado sa Dacera case

- Itinanggi ng Makati Police Chief na si Col. Harold Depositar ang alegasyong sila umano ang naggiit sa dalawang akusado ng Dacera case tungkol sa drúgs

- Ayon kasi sa dalawang nadetine sa pulisya na sina JP Dela Serna at Rommel Galido, na-pressure umano sila ng Pulis na palabasing may powder drúgs sa kanilang party

- Ang abogado nina Dela Serna at Galido ang nagkumpirma ng salaysay ng dalawang akusado na na-mental torture pa umano ng pulisya

- Dalawa lamang sila sa anim na sumipot sa preliminary investigation na ginanap ngayong araw sa Makati Prosecutor's Office

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Itinanggi ng Chief of Police ng Makati City na si Col. Harold Depositar ang alegasyon umano ng kampo nina JP Dela Serna at Rommel Galido, ang dalawang kasama noon ng flight attendant na si Christine Dacera na ngayo'y nadidiin sa kanyang kaso.

Read also

Akusado sa Dacera case, binawi ang naunang salaysay na may "powder drúgs" sa party

Nalaman ng KAMI na binawi umano nina Dela Serna at Galido ang una nilang pahayag kaugnay sa umano'y powder drúgs na kinumpirma nilang meron sa kanilang party.

Ayon sa abogado ng dalawa na si Atty. Abigail Portugal, tinakot at na-pressure lamang sina Galido at Dela Serna lalo na at wala raw piyansa ang naunang kasong naisampa sa kanila.

Makati Police, itinanggi ang alegasyong 'torture' at 'pressure' ng dalawang akusado sa Dacera case
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Sa bago rin umanong affidavit ng mga akusado, sinabing pinilit lamang umano sila ng pulis na pirmahan ang naunang salaysay na nakahanda na umano.

Dagdag pa ni Dela Serna, pulis ang nagturo umano sa kanya ng kanyang sasabihin sa publiko partikular na ang tungkol sa powder drúgs.

"Napilitan lang sila, kasi na-pressure sila during that time," pahayag ni Atty. Portugal.

"Kasi parang pinalalabas na, basta may pressure sila, otherwise, hindi sila makakalabas. Naka-detain sila that time. The powder issue insinuating drug use actually came from the mouth of PNP Makati Police," paglilinaw pa ni Portugal.

Read also

'Fund the truth' para sa abogado ng mga akusado sa Dacera case, 6 digits na

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isang text message na pinadala umano ni Col. Harold Depositar ng Makati Police, itinanggi naman nito ang alegasyon nina Dela Serna at Galido.

"Wala pressure, wala torture, they are treated well, dahil naghanap ako ng separate detention cell para sa kanila 3. Hindi ko sinama sila sa ordinary detainees. I respected them and they know that," pahayag ni Depositar.

Ipinagpaliban muna ang hearing upang mahintay ang iba pang resulta ng imbestigasyon kabilang na rito ang isinagawang pangalawang autopsy ng NBI.

Narito ang kabuuan ng ulat mula sa TV Patrol:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight Attendant na si Christine Dacera.

Read also

Flight attendant na si Christine Dacera, naihatid na sa huling hantungan

Kasama ang kanyang mga kaibigan, sinalubong nila ang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel partikular na sa room 2209.

Naihatid na sa huling hantungan ang labi ni Dacera noong Enero 10 ng umaga sa General Santos City.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica